Robin Padilla, nilinaw ang tungkol sa kanyang pahayag na "pag-Muslimin mo na lang"
- Nilinaw ni Robin Padilla ang tungkol sa kanyang kontrobersiyal na pahayag tungkol sa kanyang naging payo sa anak niyang si Kylie Padilla
- Kaugnay ito sa naging problema ng mag-asawang Kylie at Aljur Abrenica na sa kasalukuyan ay magkahiwalay na
- Matatandaang umani ng mga reaksiyon ang naging pahayag ni Robin na pag-Muslimin na lang daw nito ang asawa niya
- Nilinaw niyang hindi niya sinasabing kapag Muslim ay marami nang asawa at ang kanyang ibig sabihin umano ay patungkol sa doktrina ng Muslim
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa pangalawang bahagi ng vlog ni Mariel Padilla ay itinuloy niya ang usapan nila ni Robin Padilla. Napag-usapan nila ang tungkol sa kanyang naging pahayag na "pag-Muslimin" na lang ni Kylie Padilla si Aljur Abrenica.
Aniya, ang kanyang ibig sabihin ay tungkol sa doktrina ng Islam at hindi kagaya ng naging enterpretasyon ng marami na may kaugnayan sa pagkakaroon ng maraming asawa.
Matatandaang nag-viral ang kanyang mga pahayag sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz kung saan tahasan niyang inamin ang tungkol sa paghihiwalay ng anak niya at asawa nitong si Aljur.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad Boy of Philippine Cinema”. Isa rin siyang screenwriter, producer, director at nationalist.
Tinatawag din siyang “The prince of the Philippine Action Movies”. Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay Mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame.
Kamakailan ay inamin ni Robin na nagtalo sila ng kanyang misis na si Mariel kaugnay sa vaccination ng kanilang mga anak.
Nakatanggap naman ng mensahe ang anak ni Robin na si Isabella mula sa kanyang ninong Digong kamakailan.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh