Hidilyn Diaz, unang in-interview ang kanyang coach at BF na si Julius Naranjo
- Sa kanya mismong vlog, ipinakita ni Hidilyn Diaz ang mga kaganapan matapos na masungkit ang gold medal sa Tokyo 2020 Olympics
- Kasama niya ang kanyang coach at nobyo na si Julius Naranjo na una niyang na-interview
- Sinabi nito na naniniwala siya sa pagkapanalo ni Hidilyn na kanila talagang pinaghandaan
- Masaya ito sa tagumpay ng nobya kaya naman pinasalamatan din siya ni Hidilyn
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Isang araw matapos ang kanyang makasaysayang pagsungkit sa gintong medalya sa larangan ng weightlifting, nagbahagi ng maiksing vlog si Hidilyn Diaz.
Nalaman ng KAMI na sa kanya mismong YouTube channel, ipinakita ni Hidilyn ang una niyang kinain matapos ang kompetisyon.
At dahil nasa Japan siya, Japanese Cuisine ang kanyang kinain at isang slice ng pizza.
Kasama niya sa nasabing vlog ang kanyang coach at nobyo na si Julius Naranjo.
Nagkaroon siya ng maiksing interview rito bago sila kumain at tinanong niya ng reaksyon nito sa pagkamit nila ng ginto para sa Pilipinas.
"I believe it. The moment you stood it up, I knew you're gonna jérk," pahayag ni Coach Julius.
Nabanggit din nila ang Team HD na kasa-kasama nila sa training hanggang sa pagkamit ng tagumpay ni Hidilyn.
Binanggit din ni Coach Julius na tinutukan din nila ang kumpiyansa sa paniniwala sa sarili ni Hidilyn na malaking bagay umano sa kanyang pagkapanalo.
"We just build your confidence. It was more of your physical strength is there but if you're not confident you can't use it to your full potential," paliwanag pa ng nobyo ni Hidilyn.
"Are you happy?" tanong ni Hidilynsa coach at nobyo na todo ang suporta sa kanya. "Of course!" ang sagot naman ito saka niya ito pinasalamatan.
Narito ang kabuaan ng video:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.
Mas lalong hinangaan si Hidilyn ng marami matapos na makamit ang gintong medalya nang una nitong mabanggit ang pagbibigay sa simbahan mula sa ngayong nasa Php40.5 million na kanyang matatanggap.
Taos-pusong nagpasalamat si Hidilyn sa suporta ng MVP Sport Foundation. Isa rin ang nasabing Sports Foundation sa magbibigay ng Php10 million kay Hidilyn sa pagkapanalo ng pinakaunang ginto ng bansa sa Olympics.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh