Hidilyn Diaz, balak magsulat ng libro kasama ang 'Team HD'

Hidilyn Diaz, balak magsulat ng libro kasama ang 'Team HD'

- Matapos manalo ng ginto sa Tokyo 2020 Olympics, isa sa mga plano ni Hidilyn ang pagususulat ng libro

- Kasama niyang magsusulat ang kanyang 'Team HD' na kasama niya sa hirap at tagumpay na kanyang tinatamasa

- Balak niya itong gawin para magbigay ng inspirasyon sa mga kabataan

- Hiling niyang maibahagi sa publiko kung ano umano ang mindset ng isang gold medalist na tulad niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagbigay ng update ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz matapos na masungkit ang pinakaunang gintong medalya para sa Pilipinas.

Sa kanyang YouTube channel, ipinakita ni Hidilyn ang una niyang kinain matapos ang kompetisyon.

Nabanggit din niya ang mga balak niyang gawin matapos ang makasaysayang pagkapanalo sa Tokyo 2020 Olympics.

Hidilyn Diaz, balak magsulat ng libro kasama ang 'Team HD'
Si Hidilyn Diaz kasama ang kanyang 'Team HD' (@hidilyndiaz)
Source: Instagram

Isa na rito ang nais niyang makasulat ng libro na umano'y maglalahad ng kanyang mga pinagdaanan sa pagkamit ng gintong medalya sa larangan ng weightlifting.

Read also

Hidilyn Diaz, unang binanggit ang pagbibigay sa simbahan mula sa premyong matatanggap

"Sabi ko gagawa kami ng libro, 'Team HD, the Dream Team' after kong manalo to give inspiration sa mga bata."

Sa nasabing gagawing libro, nais din niyang ibahagi kung ano ang kanyang naging mindset sa pagiging isang kampeon.

Narito ang kabuuan ng kanyang video mula sa kanya mismong YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.

Mas lalong hinangaan si Hidilyn ng marami matapos na makamit ang gintong medalya nang una nitong mabanggit ang pagbibigay sa simbahan mula sa ngayong nasa Php40.5 million na kanyang matatanggap.

Read also

Food supplier na hindi nakasingil ng balanse mula sa customer, nagpa-Tulfo

Taos-pusong nagpasalamat si Hidilyn sa suporta ng MVP Sport Foundation. Isa rin ang nasabing Sports Foundation sa magbibigay ng Php10 million kay Hidilyn sa pagkapanalo ng pinakaunang ginto ng bansa sa Olympics.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica