Hidilyn Diaz, unang binanggit ang pagbibigay sa simbahan mula sa premyong matatanggap
- Mas lalong humanga ang marami kay Hidilyn Diaz nang una nitong banggitin ang pagbibigay sa simbahan sa kung ano ang gagawin sa milyong-milyong matatanggap
- Isa ito sa naitanong sa kanya ni Gretchen Ho na isa sa mga unang nakapanayam sa kanya
- Nabanggit din niya ang pag-iipon at ang plano para sa training ng Philippine weightlifting
- Nais din niyang ibahagi ang napanalunan sa weightlifting community
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dumami lalo ang mga bumilib sa Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz nang una nitong mabanggit ang 'tithes' o ikapu sa mga bagay na gagawin niya sa milyon-milyong halaga ng perang matatanggap dahil sa kanyang pagkapanalo.
Nalaman ng KAMI na sa panayam sa kanya ni Gretchen Ho, isa sa mga naitanong sa kanya ay kung ano ang mga plano niya sa ngayo'y umabot na ng ₱40 million na halaga ng pera.
"Sa totoo lang wala pa akong plano, syempre magbibigay ako ng tithes... Alam ko magsi-save ako for our future, my future," panimula ni Hidilyn.
Isa rin sa nabanggit niya ay ang pagbibigay sa kanyang weightlifting community na todo ang suporta sa kanya.
Naitanong din ni Gretchen kung ano na nga ba ang plano ni Hidilyn matapos na mag-champion sa Tokyo 2020 Olympics.
"Nagpangako na ako na magsi-SEA Games ako... Kung kaya pa, tuloy-tuloy lang," pahayag Olympic gold medalist.
Siniguro rin ni Hidilyn ang patuloy na paghahasa ng mga susunod na atleta sa larangan ng weightlifting lalo na sa bansa.
Narito ang kabuuan ng nasabing video clip mula kay Gretchen Ho:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.
Matapos ang makasaysayang pagkapanalo, taos-pusong nagpasalamat si Hidilyn sa suporta ng MVP Sport Foundation.
Isa rin ang nasabing Sports Foundation sa magbibigay ng Php10 million kay Hidilyn sa pagkapanalo ng pinakaunang ginto ng bansa sa Olympics.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh