Hidilyn Diaz, taos-pusong nagpasalamat sa suporta ng MVP Sports Foundation
- Personal na nagpasalamat si Hidilyn Diaz sa MVP Sport Foundation na sumuporta umano sa kanya sa Tokyo Olympics
- Sa video na ibinahagi ng One Sports, agad na nagpasalamat si Hidilyn kina MVP Sports Foundation chairman Manny V. Pangilinan at president Al Panlilio
- Dahil sa pagsungkit ng unang gintong medalya sa Olympics, makatatanggap si Hidilyn ng tinatayang nasa Php33 million
- Bukod pa rito ang condo unit na ipagkakaloob sa kanya ng Megaworld Corp. sa Eastwood City
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ilang oras matapos ang makasaysayang pagkamit ni Hidilyn Diaz ng gold medal mula sa Tokyo 2020 Olympics, personal itong nagpasalamat sa MVP Sport Foundation.
Nalaman ng KAMI na isang video ang inilabas ng One Sports kung saan pinasalamatan mismo ni Hidilyn sina chairman Manny V. Pangilinan ng MVP Sports Foundation at president Al Panlilio.
"Hindi ko po makakamit ang gold medal without your support" ani Hidilyn na suot ang gintong medalyang nakamit niya sa weightlifting women's 55 kilogram category.
Nagpasalamat din si Hidilyn sa tiwala at suportang binigay ng Foundation sa kanila na naging daan umano upang maging matagumpay ang laban niya sa Tokyo Olympics.
Dahil dito, makatatanggap si Hidilyn ng Php10 million mula kay MVP Sports Foundation chairman Manny V. Pangilinan. Una na nitong ipinahayag na sinumang magkakamit ng gintong medalya mula sa Olympics at pagkakalooban niya ng nasabing halaga.
Bukod pa rito, makatatanggap din siya ng isa pang Php 10 million na napapaloob sa Republic Act 10699. Nakasaad dito na sinumang mananalo ng ginto mula sa mga individual categories sa Olympics ay magkakamit ng ganoon kalaking halaga.
Dagdag pa rito ang pledge ng business tycoon na si Ramon S. Ang ay may nilaang P10 million sa bawat gintong medalyang makakamit ng mga Pilipino mula sa nasabing olympics.
Maging ang dating atleta na si Rep. Mikee Romero ay magbibigay ng Php3 million pesos sa mga Pinoy gold medalist.
Bukod pa rito, may ilan pang mga nagsusulputan na grupo o indibidwal na handang magbigay ng regalo kay Hidilyn tulad na lamang ng condo unit na ipagkakaloob sa kanya ng Megaworld Corp. sa Eastwood City.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.
Matatandaang naiuwi din ni Hidilyn ang tatlong gintong medalya sa 2020 Weightlifting World Cup.
Taong 2016 nang makamit nang makamit naman niya ang silver medal mula sa Rio Olympics at mula noon, naging kontrobersiyal ang paghingi ni Hidilyn ng suporta para sa kanyang training para sa 2020 Olympics.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh