Ina ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, super proud sa tagumpay ng anak

Ina ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, super proud sa tagumpay ng anak

- Walang pagsidlan ng kasiyahan ang ina ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz sa nakamit na tagumpay ng kanyang anak

- Aminadong halo-halong emosyon ang nadala ni Nanay Emelita Diaz habang ipinagdarasal ang kapalaran ng anak sa Tokyo Olympics

- Inabot na rin ng isang taon ang 'di nila pagkikita ng anak na hindi nakabalik ng Pilipinas buhat nang magpandemya

- Nahirapan man sa sitwasyon, ang lahat ng sakripisyo ay nasuklian bilang bahagi na rin ng Kasaysayan si Hidilyn sa pagkamit ng pinakaunang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympics

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong pagmamalaking binati ni Emelita Diaz ang anak na si Hidilyn Diaz na tinanghal bilang gold medalist ng weightlifting women's 55 kilogram category.

Nalaman ng KAMI na walang pagsidlan ng kasiyahan si Nanay Emelita na sinabayan ng mataimtim na pagdarasal ang paglaban ng anak sa nasabing kompetisyon sa Tokyo 2020 Olympics.

Read also

Toni Gonzaga, ibibigay ang kita ng isang vlog kay 'Hipon Girl'; hinangaan ng marami

Ina ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz, super proud sa tagumpay ng anak
Si Hidilyn Diaz sa paghahanda para sa Tokyo 2020 Olympics (Photo credit: @hidilyndiaz)
Source: Instagram

Sa panayam sa kanya ng ABS-CBN, naikwento ng ina ni Hidilyn ang kanyang nadarama sa pagkapanalo ng anak.

“Sobra sobrang kaba. Sobra ring masaya na hindi ko maintindihan yung nararamdaman,” pahayag ni Nanay Emelita.

Naikwento nito na isang taon nang hindi nakakauwi si Hidilyn sa bansa buhat nang mag-training ito sa Malaysia.

“Sobrang hirap din. More than one year na ang COVID at 'di pa kami nagkita. Sa video call lang,” dagdag pa ng ina ni Hidilyn.

Ngunit ang lahat umano ng kanilang hirap at sakripisyo ay nagbunga ng napakagandang resulta na nagbigay ng pinakaunang gintong medalya sa kasaysayan ng Pilipinas mula nang lumahok ito sa Olympics noong 1924.

Ayon sa Yahoo News, taong 1928 nang unang makamit ng Pilipinas ang bronze medal mula sa Olympics sa pagkatao ni Teofilo Yldefonso finished sa men's 200-meter breaststroke.

Kaya naman buong pagmamalaking binati ni Nanay Emelita ang kanyang anak na si Hidilyn sa tagumpay nitong nakamit 'di lamang para sa sarili kundi para na rin sa bansa.

Read also

Vlogger, namangha kung paano hinarap ng mga Pinoy ang baha at lindol na sabay na dinanas

“Congratulations, Hids. Masayang masaya kami kasi nakatikim ka ng gold medal para sa bansa natin.”

Narito ang video nang unang panayam ng media kay Hidilyn na ibinahagi ni Gretchen Ho:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Hidilyn Francisco Diaz ay isang Pinay weightlifter. Sumali siya sa 2008 Summer Olympics kung saan siya ang pinakabatang kalahok sa women's 58-kg category. Naging bronze medalist din siya sa 2007 SEA Games sa Thailand at nakuha niya ang 10th place sa 2006 Asian Games sa 53-kilogram category.

Sa kanyang pagkapanalo sa Tokyo 2020 Olympics, tinatayang nasa Php 33 million ang sigurado na niyang matatanggap.

Matatandaang naiuwi din ni Hidilyn ang tatlong gintong medalya sa 2020 Weightlifting World Cup.

Taong 2016 nang makamit naman niya ang silver medal mula sa Rio Olympics at mula noong maging kontrobersiyal ang paghingi ni Hidilyn ng suporta para sa kanyang training para sa 2020 Olympics.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica