Vlogger, namangha kung paano hinarap ng mga Pinoy ang baha at lindol na sabay na dinanas
- Ibinahagi ng vlogger na si Basel Manadil ang kalagayan ng mga Pilipino sa pananalasa ng bagyong Fabian
- Bukod pa rito, sumabay pa ang labis na nakaaalarmang lindol habang dinaranas ang hagupit ng bagyo
- Makikitang maging sa lugar ni Basel ay binaha ngunit laking gulat niya nang makita ang mga Pinoy, bata man o matanda na mga nakangiti pa rin
- Dahil dito, bilang isa na rin siyang Filipino citizen, ipinagmamalaki niya ang katangiang Pinoy na pagiging positibo sa kabila ng dinaranas na mga problema
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ipinakita ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer ang kalagayan kamakailan ng mga Pilipino habang dinaranas ang hagupit ng bagyong Fabian.
Ipinalabas ito sa kanyang YouTube channel nitong Hulyo 24, sa kasagsagan pa rin ng pananalasa ng bagyo na ilang araw na dinanas lalo na ng mga taga-Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon.
Ibinahagi ni Basel ang kanyang natuklasan sa kung paano harapin ng mga Pinoy ang sakuna lalo na at hindi lamang ito naganap sa loob ng 24 oras.
Sumabay pa ang lindol na naranasan din sa Batangas at sa mga karatig lugar maging sa Metro Manila.
Labis itong nakaaalarma lalo na at may katagalan ang pag-uga na ramdam ng marami kasabay pa ng malakas na ulan na hindi rin paawat.
Nang magkaroon ng pagkakataong lumabas, nakita naman ni Basel na baha na sa labas ng kanilang tinitirahan.
Subalit sa kabila ng sakunang ito, nakita pa rin niya ang mga nakangiting Pilipino, nagtutulungan, at ang ilan ay bumabati pa sa kanya.
Dito, mas lalo siyang humanga sa kanyang mga kababayan bilang isa na rin siya umanong Filipino citizen.
"Earthquake ka lang, Filipino kami! Tubig ka lang, Filipino kami," buong pagmamalaki ni Basel na makailang beses nang nagpahayag ng pagmamahal sa bansa.
Narito ang kabuuan ng kanyang vlog mula sa Hungry Syrian vlogs YouTube channel:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
Nitong pandemya, ilan sa mga natulungan ni Basel ay ang grupo ng mga jeepney at bus drivers na nabiyayaan niya ng nasa Php10,000 kada isang mati-tyempuhan niyang bigyan sa kalsada.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh