Fan na nabigyan ng TV ni Basel Manadil, naging masuwerteng kasambahay na niya ngayon
- Ipinakilala ni Basel Manadil ang bago niyang kasambahay na agad niyang pinamili ng sandamakmak na kagamitan
- Mula sa mga pagkain at gamit sa magiging kwarto nito ay biniling lahat ni Basel
- Kapamilya kasi ang trato niya sa kanyang mga empleyado kaya naman masasaya ang mga ito na nagtatrabaho sa kanya
- Nalaman niyang ang nakuha niyang kasambahay ay dati nang lumabas sa kanyang video bilang isa sa mga nabigyan niya ng bagong TV
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ibinahagi ng vlogger na si Basel Manadil ang pinakabagong empleyado niya na makakasama niya sa kanyang bagong tahanan.
Nalaman ng KAMI na ang bagong kasambahay na ito ni Basel ay minsan na niyang nakasama sa isa sa kanyang mga vlog noong Disyembre 2020.
Subscriber niya raw ito at ang dati nitong amo pa ang nag-set up na makilala ng kasambahay si Basel na noo'y binigyan pa siya ng bagong smart TV.
Subalit pumanaw na ang amo ng kasambahay kaya naman inirekomenda ito kay Basel na nagkataong naghahanap ng mangangalaga sa kanyang bagong tahanan.
Bagaman at nahihiya, labis ang kasiyahan ng kasambahay na natupad ang pangarap na makapagtrabaho para sa kanyang idolo.
Sa edad nitong 51, buong puso pa rin itong tinanggap ni Basel para na rin makatulong sa pamilya nito.
Bilang panimula, binilhan siya ng vlogger ng sandamakmak na pagkain, mga appliances kabilang na ang bagong TV, upang magamit nito sa kanyang kwarto.
Ipinakita rin ni Basel ang video ng unang pagkikita nila ng kasambahay na ngayo'y makakasama na niya sa araw-araw.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa.
Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.
Ngayong pandemya, ilan sa mga natulungan ni Basel ay ang grupo ng mga jeepney at bus drivers na nabiyayaan niya ng nasa Php10,000 kada isang mati-tyempuhan niyang bigyan sa kalsada.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh