Misis na nakawala sa masalimuot na relasyon, ginulat ang marami sa kanyang glow-up photos

Misis na nakawala sa masalimuot na relasyon, ginulat ang marami sa kanyang glow-up photos

- Viral ngayon ang larawan ng isang misis na talaga namang malaki ang pinagbago mula nang makawala sa mapang-abusong mister

- Masasabing matinding hirap ang dinanas niya sa kanyang mister at nang maging ang kanilang anak ay nadadamay na, kumawala na siya

- Sinabi niyang mag-aabroad siya upang makaalis sa puder ng asawa habang ang mga anak ay iniwan niya sa kanyang ina

- Ngunit nang makita siya muli ng mga nakakakilala sa kanya inakala raw ng mga ito na nagparetoke siya sa laki ng kanyang pinagbago

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw eksena sa social media ang mga larawan ng misis na si "Michelle" dahil sa kanyang mga glow-up pictures.

Nalaman ng KAMI na hindi pa man naipalalabas ang kwento niya sa Kapuso Mo,Jessica Soho ay marami na ang namangha sa pagbabago niya.

Read also

OFW, nakapagpapatayo ng bahay kasabay ng pagpapa-aral sa 2 college na mga anak

Kwento ni Michelle, mapang-abuso ang kanyang mister sa kabila ng pag-aalaga niya sa anim nilang mga anak.

Misis na nakawala sa masalimuot na relasyon, ginulat ang marami sa kanyang glow-up photos
Photo: Si Michelle ngayon (Credits to: Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

At nang dumating sa punto na pati ang kanilang mga anak ay nadadamay, umisip na talaga siya ng paraan para makawala.

Nabola niya umano ang mister at sinabing siya ay mangingibang-bansa upang maging maayos ang kanilang pamumuhay.

Pumayag naman daw ito na siyang naging hudyat ng pag-alis ni Michelle sa masalimuot niyang relasyon sa asawa.

Inihabilin niya ang anim na mga anak sa kanyang ina. Doon na rin siya nagkaroon ng pagkakataon na baguhin at ayusin ang sarili lalo na ang kanyang buhay.

"May ibang nagsasabi sa akin, nagparetoke raw ako, uminom ng mga gamot pampaganda. Pero ang hindi nila alam, may sikreto ako kung paano mula sa pagiging losyang, nag-glow up na raw ako ngayon,” pahayag ni Michelle.

Bagaman at hindi pa naibunyag ang sikreto ni Michelle, marami ang naglabas ng kanilang mga opinyon kung bakit napakalaki ng pinagbago nito at tila lumabas ang naitatago noon na kagandahan niya.

Read also

Video ng lalaking hindi nakatiis at nanghingi ng candy sa kasakay sa van, viral

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Stress free, aircon, lotion ang daming talagang magagawa pag may pera at higit sa lahat, pagmamahal sa mga anak isa sa nagbbigay determinasyon n mag move on"
"Malaking bagay na nakaalis si ate sa mister niya, wala na siya iniisip araw-araw na nakaka-stress sa kanya"
"Saludo po ako sa'yo, kinaya mo yan! Ang ganda-ganda mo po lalo"
"Maganda naman talaga siya noon pa pero sa dami ng inaalagaang anak, sa hirap ng buhay at sa asawa niyang nakaka-stress, nawalan na siya ng oras sa sarili"
"Deserve mo po ate ang kung ano ka ngayon. Lalo kang nag-glow dahil sa mga desisyon mo sa buhay. Tama po yan, alagaan ang sarili"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang programa ng broadcast journalist na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy linggo-linggo.

Read also

Raffy Tulfo, pabirong sinagot ang nakapansin sa matulunging anak na si Ralph

Isa sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pagtawid ng mga guro sa ilog makapaghatid lamang ng mga learning modules sa kanilang mga estudyante.

Tinutukan din ang kwento ng batang nag-aararo na sa mura niyang edad na natulungan naman ng marami buhat nang maibahagi sa KMJS ang kanyang kwento.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel