Donekla, tinotoo ang panaginip ni Donita Nose at namahagi ng bigas sa mga taong lansangan

Donekla, tinotoo ang panaginip ni Donita Nose at namahagi ng bigas sa mga taong lansangan

- Namahagi ng bigas ang Donekla in Tandem sa mga taong nadaraanan nila sa lansangan

- Sinabing napanaginipan daw kasi ni Donita na nakabili sila ni Super Tekla ng ilang ektarya ng lupain na ginawa nilang sakahan

- Doon nila naisip na mamahagi ng bigas na tila pagpapatotoo ng panaginip ni Donita

- Labis na nagpapasalamat ang kanilang mga nabibigyan lalo na at hindi nila inaasahan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa pinakabagong vlog ng Donekla in Tandem, namahagi ng bigas sina Super Tekla at Donita Nose.

Nalaman ng KAMI na nag-ikot ang dalawa upang makahanap ng mga kababayan nating labis na naghihikahos ngayong pandemya.

Mayroon silang nabigyan na mga nangangalakal, walang tirahan at nag-iisa sa buhay, pamilyang sa gilid lamang ng kalsada nakatira at mga matatandang iniwan na ng pamilya.

Donekla, tinotoo ang panaginip ni Donita Nose at namahagi ng bigas sa mga taong lansangan
Photo: Super Tekla at Donita Nose (Donekla in Tandem)
Source: Facebook

Naisipan din ni Tekla na pumara ng taxi upang mabigyan din ng sampung kilong bigas ang driver.

Read also

Nag-viral na magkababata sa TikTok, muling nagpakilig sa KMJS

Kung nakikita nilang walang lutuan ang bibigyan sana nila ng bigas, tulong pinansyal ang binibigay nila sa mga ito.

Ilan din sa mga nabigyan nina Tekla at Donita ay ang security group ng kanilang compound na sinabi nilang mababait at talagang maasahan.

Kwento pa ni Donita, nagkaroon sila ng ideya na mamahagi ng bigas dahil sa panaginip nito na nakabili umano sila ni Tekla ng isang ektarya ng lupa na kanilang ginawang sakahan.

"Nanaginip talaga ako, nakabili daw tayo ng isang ektarya lang yata ginawa nating palayan, nagsaka daw tayo, tayo nga mismo yung nagsasaka e."
"Nung harvest agad, sabi ko 'alam mo mas maganda 'yung first nating harvest, ipamigay natin."

Sinabi rin nila na sakaling may dumating pa silang mas malaking biyaya, hindi sila makakalimot na ipagpatuloy ang pamamahagi nito.

Narito ang kabuuan ng kanilang vlog mula sa 'Donekla in Tandem' YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Magkababatang nag-viral sa TikTok, muling kinumusta ng KMJS

Sina Super Tekla at Donita Nose ay mga komedyante at TV host sa GMA. Mas nakilala sila bilang 'Donekla in tandem' sa kanilang YouTube channel kung saan mayroon na silang 2.84 million subscribers.

Noong nakaraang taon, naging maingay ang pangalan ni Super Tekla nang masangkot sa kontrobersiya dahil sa mga akusasyon ng dati niyang live-in partner na si Michelle.

Sa dami nang mga nangyari sa kanya, tuluyan na niyang nilisan ang kanilang condominium upang makalimot na rin sa mga masasalimuot na kaganapan doon. Magkasama na sila ni Donita sa tinagurian nilang 'House of tandem' upang mabilis na rin silang makagawa ng mga ipalalabas nila sa kanilang YT channel.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel