Super Tekla, giniit na hindi na sila magkakabalikan ni Michelle Banaag

Super Tekla, giniit na hindi na sila magkakabalikan ni Michelle Banaag

- Giniit ng komedyanteng si Super Tekla na hindi na sila magkakabalikan pa ng ex-partner niyang si Michelle Banaag

- Ito ay matapos na maipalabas sandali ang video ng 'Donekla in Tandem' kung saan nakapanayam nila si Michelle

- Sa naturang video, humingi lamang ng sorry si Michelle sa publiko sa iskandalong naidulot nito sa pagpapa-Tulfo pa kay Tekla

- Nag-live pa ang Donekla in Tandem upang bigyang linaw ang pagbubura nila ng video kung saan nakatanggap sila ng mas maraming negatibong komento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binigyang linaw nina Donita Nose at Super Tekla ang kanilang dahilan ng paglalabas ng video kung saan nakapanayam nila si Michelle Banaag.

Nalaman ng KAMI na wala umanong masamang intensyon ang 'Donekla in Tandem' na ang nais lamang ay hayaang mag-public apology si Michelle sa iskandalong naidulot nito matapos na ipa-Tulfo si Tekla.

Read also

Donekla in Tandem, nag-live para ipaliwanag ang binurang video nila kasama si Michelle Banaag

Katunayan, sinabi mismo ng ex-partner ni Tekla sa ngayong burado nang video na nagsisisi na ito at sana'y pinag-usapan na lamang nila ang kanilang problema at hindi na humantong pa sa programa ni Raffy Tulfo.

Super Tekla, giniit na hindi na sila magkakabalikan ni Michelle Banaag
Sina Donita Nose at Super Tekla (Photo credit: Donekla in Tandem)
Source: UGC

Subalit, pagbibigay linaw ni Tekla, hindi nangangahulugang magkakabalikan na sila ni Michelle tulad ng ibinabato umano sa kanila ng publiko.

Maging si Donita na rin ang nagbigay kasiguraduhan sa publiko na hinding-hindi na magkakabalikan pa sina Tekla at Michelle.

"Hindi po talaga pwedeng mangyari na magkabalikan sila. Ako mismo magsasabi sa inyo 'pag nagkabalikan sila, ako mismo ang magagalit," ayon kay Donita.

"For sure, 'pag nagkabalikan sila, aalis ako sa Donekla in Tandem, iwanan ko siya," dagdag pa niya.

Gayunpaman, sinabi rin ni Tekla na napatawad na niya si Michelle sa mga nagawa nito para na rin sa ikatatahimik niya.

Hindi na rin sumagi sa kanyang isip ang makipagrelasyong muli kay Michelle at ang tanging dahilan na lamang ng kanilang pagkikita ay ang kanilang anak na si Baby Angelo.

Read also

Donita Nose, harapang inamin kay Michelle Banaag na ayaw niya ito para kay Tekla

"Once and for all, walang balikang magaganap, no after all, wala na teh," nang tanungin siya ng diretsahan ni Donita kung mahal pa ni Tekla si Michelle.

Muli niyang iginiit na ang pagpapatawad niya sa dating nobya ay para sa kanilang anak na labis na kailangan ng kalinga at suporta ng mga magulang dahil sa sakit nito na patuloy pa rin nilang ipinagagamot.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Super Tekla ay isa sa kilalang komedyante ng GMA 7. Sumikat siya dahil sa kanilang programang "The Boobay and Tekla Show" (TBATS) at kasalukuyan din siyang namamayagpag bilang isang YouTuber kasama ng matalik niyang kaibigan na si Donita Nose sa kanilang channel na Donekla in Tandem.

Oktubre ng nakaraang taon ng gumulantang sa publiko ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Tekla dahil sa pagsusumbong ng kanyang dating live-in partner na si Michelle Banaag sa programa ni Raffy Tulfo.

Read also

Michelle Banaag, humingi ng sorry sa publiko sa pagpapa-Tulfo kay Super Tekla

Ito ang naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa at para tuluyan nang lisanin ni Tekla ang condominium na tinutuluyan nila noon ni Michelle at ilang kaanak nito.

Nais ipaalala ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel