Madam Inutz, wagi sa Gawad Amerika bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer

Madam Inutz, wagi sa Gawad Amerika bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer

- Hindi makapaniwala si Madam Inutz na siya ang napili bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer ng Gawag Amerika

- Pinasalamatan niya ang lahat ng kanyang mga supporters lalo na ang mga Overseas Filipino workers

- Pati na rin ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino ay kanyang pinasalamatan dahil naging instrumento ito sa sunod-sunod na tinatamasa niyang biyaya

- Kamakailan ay ibinahagi rin ni Madam Inutz na nag-recording na siya ng bago niyang awitin na may pamagat na 'Marites'

- Isa lamang ito sa apat na mga kantang pinaghahandaan at ilalabas ni Madam Inutz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila sunod-sunod ang mga blessings ng nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Matapos ang stint niya bilang isang celebrity housemate ni Kuya sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, ginawaran naman siya ng Gawad Amerika bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer.

Read also

Manager ni Francine Diaz mariing pinabulaanan ang umano'y panliligaw ni Seth

Madam Inutz, wagi sa Gawad Amerika bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer
Madam Inutz kasama ang manager niyang si Wilbert Tolentino (Photo from Daisy_licious Ukay)
Source: Facebook

Sa kanyang post, inamin niyang hindi pa rin siya makapaniwala sa mga nangyayari sa kanyang buhay sa ngayon.

"Sa dami ng kaganapan sa buhay ko, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na mangyayari pala talaga to."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sa simpleng pagtitinda ng damit at kahit papano magbigay ng good vibes sa ating mga kababayan, pwede ka pa lang parangalan."

Pinasalamatan din niya ang mga overseas Filipino workers (OFW) sa suportang ibinigay ng mga ito sa kanya.

Lalong-lalo na sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino na may napakalaking ambag umano sa pagbabago ng buhay niya ngayon.

"At syempre ke ka-freshness sir Wilbert Tolentino, sobrang laking ambag sa ko...Salamat sa buong pusong tiwala mo sakin sir. Asahan mong mamahalin at pahahalagahan ko ang nabuo nating samahan"

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Read also

Madam Inutz, excited na inanunsyo ang lalabas na music video ng bago niyang kanta na 'Marites'

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento kanyang pagsisikap.

Kabilang siiya sa Final 5 ng Pinoy Big Brother Celebrity edition Season 10 kung saan dalawa ang hinirang na Big winners na sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion.

Kamakailan ay naibahagi ni Madam Inutz ang recording ng bago niyang awitin na may pamagat na "Marites."

Bahagi ito ng apat pang mga kanta na kanyang pinaghahandaan at ilalabas.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel