Manager ni Francine Diaz mariing pinabulaanan ang umano'y panliligaw ni Seth

Manager ni Francine Diaz mariing pinabulaanan ang umano'y panliligaw ni Seth

- Mismong ang manager ni Francine Diaz ang sumagot sa ilang katanungan ng netizens

- Kaugnay ito sa pagkaka-link ng alaga niya sa kaibigang si Seth Fedelin matapos mag-viral ang pictures nila kasama ang pamilya ng aktres

- Nilinaw nito na hindi nanliligaw si Seth kay Francine, taliwas sa lumalabas na bali-balita

- Nagpahiwatig din ito ng posibleng bagong endorsement para sa dalaga na malapit nang magdiwang ng kanyang ika-18 na kaarawan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng manager ni Francine Diaz na si John Ling ang picture nilang dalawa. kalakip ito ng mensahe niya para sa dalaga kung saan inihayag nito ang kanyang pagmamahal para kay Francine.

Manager ni Francine Diaz, nilinaw ang tungkol sa pag-uugnay kina Seth at Francine
Francine Diaz (@francinesdiaz)
Source: Instagram
See u soon Chin ❤❤ @francinesdiaz @merdick_diaz ... another endorsement ba ulit?? Lapit na pala #birthday mo ... mahal ka ni ninong john mo watch na kayo ng new vlog nya part 2 with @unoemilio ok??

Read also

Madam Inutz, wagi sa Gawad Amerika bilang 2021 Outstanding Social Media Influencer

Nilinaw niya ring hindi totoo ang balitang nanliligaw sa kanya si Seth.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang naging usap-usapan ang unfollow isyu nina Francine at Andrea Brillantes kamakailan. Lumabas anf isyu matapos mag-viral ang picture nina Francine at Seth Fedelin kasama ang pamilya ng dalaga.

Kasunod nito ay napansin ng mga netizens na hindi naka-follow sa IG ni Francine si Andrea. Gayunpaman, naka-follow pa rin si Francine. Kinalaunan ay muling naka-follow uli si Andrea ngunit tuluyan na rin itong naka unfollow.

May mga nakapansin din na hindi na rin naka-follow ang account ni Francine kay Andrea.

Sa kasalukuyan, nagiging batayan ng publiko ang social media ng mga artista sa kanilang relasyon. Ilan sa mga paghihiwalay sa showbiz ay natutunugan ng netizens dahil sa simpleng pag unfollow lamang nga mga magkarelasyon.

Read also

Ogie Diaz, diretsang tinanong si Seth kung bakit nasa bahay ito ni Francine

Si Francine Diaz ay unang sumikat sa teleseryeng Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brilliantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Sila Kyle at Francine ay unang itinambal sa naturang teleserye kung saan nabuo ang tambalang kung tawaging ay "KyCine" na mula sa pinagsamang pangalan ng dalawa.

Sa nabuong tambalan, napalapit na rin sila sa pamilya ng bawat isa. Inamin ni Francine na nakasama niya nang mag-lunch ang pamilya ni Kyle.

Ilang beses na ring naitatanong sa kanilang dalawa kung ano na nga ba ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa at palagi nilang sinasabing sila ay malapit na magkaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel