Ogie Diaz, diretsang tinanong si Seth kung bakit nasa bahay ito ni Francine

Ogie Diaz, diretsang tinanong si Seth kung bakit nasa bahay ito ni Francine

- Diretsahang natanong ni Ogie Diaz si Seth Fedelin kung nanliligaw daw ito kay Francine Diaz

- Ito ay matapos na kumalat ng mga larawan kung saan kasama umano ng pamilya ni Francine si Seth noong Bagong taon

- Sinabi ni Ogie Diaz na bilang isang manager, tila nasaktan lamang ang ka-love team ni Seth na si Andrea Brillantes sa paglabas ng mga larawan

- Marahil iniingatan at inaalagaan umano ni Francine ang love team nila ni Seth kaya nagkaroon ito ng reaksyon sa paglabas ng larawan ng dalawa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isa sa mga napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa kanilang Showbiz update ang mainit na usapin ngayong tungkol sa larawan ng pamilya ni Francine Diaz na kasama si Seth Fedelin.

Nalaman ng KAMI na mabilis na nag-viral ang larawan dahil iba ang kani-kanilang love team subalit sila ang magkasama sa umano'y pagdiriwang ng Bagong Taon.

Read also

Manager ni Francine Diaz mariing pinabulaanan ang umano'y panliligaw ni Seth

Ogie Diaz to Seth Fedelin: "Seth, nanliligaw ka ba kay Francine kaya ka nasa bahay nila?"
Ogie Diaz (Photo from Ogie Diaz Showbiz Update)
Source: UGC

Ayon kay Ogie, maari namang napadalaw lamang si Seth kay Francine at naging excited lamang ang ina ng dalaga at naibahagi ang larawan.

Dahil dito, diretsahan naman niyang naitanong kay Seth kung nanliligaw ba ito sa ka-love team ni Kyle Echarri na kasama nila sa 'Kadenang Ginto.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Seth, nanliligaw ka ba kay Francine kaya ka nasa bahay nila?"

Samantala, tila nasaktan daw si Andrea sa paglabas ng larawan dahil bilang isang manager, masasabi ni Ogie na marahil ay pinangangalagaan ni Andrea ang love team nila ni Seth subalit labis na makaaapekto ang viral photo nina Seth at Francine dito.

Bilang manager siguro itong si Andrea medyo na-off kasi baka feeling niya, Sandali, inaalagaan natin 'yung love team natin e, ako lang ba mag-aalaga? 'Di ba dapat tayong dalawa? Bakit may FranSeth?

Read also

Kangkong chips owner, kinabahan sa prank ni Ogie Diaz; "Dito masisira negosyo niyo"

Gayunpaman, nasabi rin ni Ogie na ang tanging makasasagot ng katotohanan ay sina Francine at Seth na sila ang naroon sa larawan.

Narito ang kabuuan ng usapan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter.

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at iba pang kilalang personalidad.

Isa sa mga naitampok ni Ogie ay si Pokwang at ang kabutihan ng puso nito kung saan nagawa pang kaawaan ang taong nanloko umano sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel