Kangkong chips owner, kinabahan sa prank ni Ogie Diaz; "Dito masisira negosyo niyo"

Kangkong chips owner, kinabahan sa prank ni Ogie Diaz; "Dito masisira negosyo niyo"

- Makikitang kinabahan ang owner ng 'Kangkong chips' na si Josh Mojica sa prank sa kanya ni Ogie Diaz

- Dinayo pa siya ni Ogie sa Cavite upang makapanayam at upang matikman ang famous na Kangkong chips original nito

- Ngunit bago magsimula ang interview, ipinakita kung paano kunwari nalaatan si Ogie sa Kangkong chips at ipinatawag pa ang supervisor

- Mapapansing panay naman ang kain ni Ogie kaya naman nang sinabi nitong prank lamang na naalatan siya at ang totoo'y masarap ang chips, tila nahimasmasan si Josh

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Na-prank ni Ogie Diaz ang 17-anyos na owner ng Kangkong chips original na si Josh Mojica.

Nalaman ng KAMI na dumayo pa si Ogie D at kanyang team para makapanayam si Josh at matikman din ang famous Kangkong chips nito.

Read also

Video kung saan nadulas umano si Kyle tungkol sa BF ni Francine, binalikan ng netizens

Sa umpisa ng interview, ipinakita kung paano kinabahan si Josh nang sabihin ni Ogie na "sobrang alat" ng Kangkong chips.

Kangkong chips owner, kinabahan sa prank ni Ogie Diaz; "Dito masisira negosyo niyo"
Photo: Ogie Diaz
Source: UGC

"Bakit hindi niyo na-control? Kaninong responsibility 'yan?" usisa ni Ogie habang mapapansin naman ang pagkabalisa ng owner na nanatili pa ring kalmado sa pagpapaliwanag.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aminado si Josh na kamakailan ay hindi niya gaanong natutukan ang quality control ng kanilang produkto at ipinaubaya niya ito sa kanyang supervisor.

Ipinatawag din ni Ogie ang supervisor at sinabi naman nito na si Josh talaga ang namamahala sa quality control.

"Patay tayo d'yan," ang nasabi na lang ni Josh na sinundan naman ni Ogie D ng "dito masisira negosyo niyo."

Kapansin-pansin naman na panay ang tikim at kain ni Ogie ng Kangkong chips hanggang sa sabihin niyang "sa susunod ganito ulit ha, pina-prank ko lang kayo."

Read also

Xian Gaza, diretsang tinanong si Andrea Brillantes: "Hindi talaga kayo mag-jowa nung Seth?"

Tila nahimasmasan naman si Josh gayundin ang kanyang supervisor nang malaman ito at aminadong kinabahan sila.

Ang totoo'y maging si Ogie D ay nasarapan sa produkto ni Josh na nakapagbibigay sa kanya ng kita na umaabot sa Php150,000.

Mapapanood ang kabuuan ng prank at interview kay Josh sa Ogie Diaz YouTube channel.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Bukod kay Josh Mojica, isa sa mga naitampok ni Ogie ay si Pokwang at ang kabutihan ng puso nito kung saan nagawa pang kaawaan ang taong nanloko umano sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel