Xian Gaza, diretsang tinanong si Andrea Brillantes: "Hindi talaga kayo mag-jowa nung Seth?"

Xian Gaza, diretsang tinanong si Andrea Brillantes: "Hindi talaga kayo mag-jowa nung Seth?"

- Viral ngayon ang mga larawan ni Seth Fedelin kasama 'di umano si Francine Diaz at pamilya nito

- Kuha raw ang mga larawan sa pagdiriwang ng New Year sa tahanan ng aktres

- Mabilis na nai-tag ng netizens ang tinaguriang 'Pambansang Marites' na si Xian Gaza na agad naman umanong pinadalhan ng mensahe si Andrea Brillantes tungkol dito

- Si Andrea ang ka-love team ni Seth na nagsimula sa kanilang patok na teleserye na 'Kadenang Ginto'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matapos na kumalat sa social media ng mga larawan ni Seth Fedelin na kasama si Francine Diaz at pamilya nito, nag-viral din ang post ni Xian Gaza kung saan lakas-loob nitong inusisa si Andrea Brillantes tungkol dito.

Matatandaang si Andrea ang ka-love team ni Seth na nagsimula sa kanilang teleserye na 'Kadenang Ginto' sa Kapamilya network.

Xian Gaza, diretsang tinanong si Andrea Brillantes: "Hindi talaga kayo mag-jowa nung Seth?"
Xian Gaza (Photo from Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Marami kasing netizens ang nag-tag di umano sa mga larawan nina Seth at Francine na binigyang pansin naman ni Xian.

Sa kanyang Facebook page, ipinakita niya ang kanyang naitanong kay Andrea kaugnay sa mga viral na larawan ng mga kasama nito sa 'KG.'

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Andrea, Xian here. Pambansang Marites ng Pilipinas. Good Morning. Bale hindi talaga kayo mag-jowwa nung Seth? Kumbaga love team lang talaga in the name of showbiz? Ang totoo niyang girlfriend ay yung Francine? Pasagot na lang sana para makatulog na ako. Salamat."

Sinundan naman ito ng post kung saan mismong sina Seth at Francine na talaga ang kanyang tinanong.

"Seth Fedelin Francine Diaz nyeallo. May gusto lang sana ako linawin"

Sa ngayon, wala pa ring naibabahagi si Xian kung sumagot na ba ang tatlo.

Si Christian Albert "Xian" Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersyal na billboard proposal kay Erich Gonzales para magkape.

Matapos ito, gumawa muli siya ng ingay sa social media nang madawit bilang isang umanong scammer. Sa katunayan ay nakulong pa ito ngunit nakapag-piyansa. Sa ngayon, sinasabing nasa ibang bansa ito at mayroong sariling negosyo.

Samantala, marami pa rin naman ang humanga sa kanya dahil sa pagtulong niya sa isang lalaking nahuling nagnakaw ng diaper.

Kamakailan, napagsabihan na umano ito ng kanyang kaibigan at kumpare na si Ogie Diaz na bawasan na umano nito ang pagiging 'Marites' lalo na kung wala itong sapat na pruweba.

Nilinaw din ni Ogie D na wala umano siyang kinalaman sa mga post ni Xian kamakailan lalo na ang alaga niyang si Liza Soberano.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel