Mga larawan ni Seth Fedelin kasama ang pamilya ni Francine Diaz, viral na

Mga larawan ni Seth Fedelin kasama ang pamilya ni Francine Diaz, viral na

- Viral ngayon ang mga larawan nina Seth Fedelin at Francine Diaz sa social media

- Si Seth ay nagdiwang 'di umano ng Bagong Taon kasama ang pamilya ni Francine

- Sinasabing nai-post umano ito ni Francine subalit agad ding binura, subalit naibahagi rin ito ng ina ni Francine

- Samantala, mabilis naman ang netizens na naisipang i-tag si Xian Gaza na tinaguriang 'Pambansang Marites'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga larawan nina Seth Fedelin at Francine Diaz na magkasama.

Nalaman ng KAMI na kuha 'di umano ito noong Bagong Taon kung saan kasamang nagdiwang ng pamilya ni Francine si Seth.

Sinasabing una itong naibahagi ni Francine sa kanyang social media subalit agad niya rin itong binura.

Mga larawan ni Seth Fedelin kasama ang pamilya ni Francine Diaz, viral na
Photo: Francine Diaz (@francinediaz)
Source: Instagram

Subalit dahil mabibilis ang netizens, ilan sa kanila'y na-screen capture ang post. Ang ilan, ipinakitang mismong ang ina ni Francine ang nagbahagi ng mga larawan.

Read also

Xian Gaza, diretsang tinanong si Andrea Brillantes: "Hindi talaga kayo mag-jowa nung Seth?"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Laking gulat ng netizens gayung ang ka-love team ni Seth sa "Kadenang Ginto" ay si Andrea Brillantes habang si Francine naman ay si Kyle Echarri.

Samantala, mabibilis naman ang mga netizens na agad na nai-tag ang tinaguriang 'Pambansang Marites' na si Xian Gaza.

Dahil dito, maging si Xian ay nagpadala na umano ng mensahe kina Andrea, Seth at Francine upang bigyang linaw ang mga viral na larawan.

Francine Carrel Saenz Diaz ay isa sa kilalang aktres at product endorser sa bansa. Nagsimula ang kanyang acting career sa mga TV series na The Blood Sisters, We Will Survive, Ikaw Lang ang Iibigin, and Be My Lady. Subalit mas nagningning ang kanyang career nang bigyang buhay niya ang karakter ni Cassandra Mondragon sa Kadenang Ginto kung saan nakasama niya sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin at Kyle Echarri.

Read also

Luis Manzano, pinakilala ang bagong singvestigators sa "I Can See Your Voice"

Kamakailan ay naging usap-usapan din ang pagsisimula ni Francine sa showbiz kung saan inamin niyang nangungutang pa sila noon ng pamasahe patungo sa mga VTR ng kanyang commercials at sa bahay na lamang sila kumakain para lamang makatipid ng pera.

Samantala, ang kanya naman ka-love team sa Kadenang Ginto na si Kyle Echarri ay isa sa mga naging celebrity housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel