Chie Filomeno, umaming may crush kay Kyle Echarri: "Sobrang talented niyang bata"

Chie Filomeno, umaming may crush kay Kyle Echarri: "Sobrang talented niyang bata"

- Diretsang sinagot ni Chie Filomeno kung sino nga ba ang kanyang crush sa mga naging kapwa housemates

- Nagbiro pa ito na tila alam naman na ng madla kung sino ito kaya nang kinuha niya ang larawan ni Kyle Echarri, napatili rin ang mga host ng 'Magandang Buhay'

-Aniya 'special bond' ang nabuo sa kanila ni Kyle sa loob ng bahay ni Kuya

- Naging takbuhan daw talaga nila ang isa't isa noong nasa loob sila ng Pinoy Big Brother house

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Inamin ni Chie Filomeno na crush niya si Kyle Echarri na kanyang naka-close sa loob ng Pinoy Big Brother house.

Chie Filomeno, umaming may crush kay Kyle Echarri: "Sobrang talented niyang bata"
Chie Filomeno (@chiefilomeno)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na natanong siya sa Magandang Buhay tungkol sa kanyang mga housemates sa Pinoy Big Brother house at isa na rito ay kung sino ang kanyang naging crush sa pamamalagi sa bahay ni kuya.

Read also

Madam Inutz, hindi tanggap ang mga bad comments sa kanya: "Nanggigigil ako!"

"Grabe 'yung romantically, pwedeng crush muna?" panimula ni Chie habang kinukuha ang larawan ni Kyle.

Talagang napatili ang mga host ng Magandang Buhay nang ipakita na ni Chie ang larawan ni Kyle bilang sagot sa kanilang tanong.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sinong hindi magkakaroon ng crush kay Kyle din? Sobrang talented niyang bata," pahayag ni Chie.

"'Yung closeness namin ni Kyle sa loob is a special bond talaga that we were able to create po kasi kami 'yung takbuhan namin 'yung isa't isa. And he made me feel na pwede kong sabihin sa kanya lahat ng problema ko," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Chie mula sa Magandang Buhay, ABS-CBN Entertainment:

Isa ang Pinoy Big Brother sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa rin nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Read also

Madam Inutz, big winner para kay Chie Filomeno: "Hindi nagbago 'yung tingin ko kay Madam"

Kasama ni Chie Filomeno, ilan pa sa mga kilalang celebrity housemates na pumasok sa bahay ni Kuya ay sina Brenda Mage, Alyssa Valdez at Madam Inutz.

Nagulat ang marami kamakailan nang payagan pa rin ni Kuya na mag-live selling si Madam Inutz kahit nasa loob na siya ng PBB House. Ito ay upang patuloy pa rin niyang matulungan ang kanyang pamilya.

Subalit, marami ang nakapansin na 'behave' si Madam Inutz habang nagla-live selling sa loob ng bahay ni Kuya at isa nga sa mga nakapansin sa kanya ay ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel