Ogie Diaz: "Wala po kaming kinalaman ni Liza Soberano sa ipino-post ni Xian Gaza"

Ogie Diaz: "Wala po kaming kinalaman ni Liza Soberano sa ipino-post ni Xian Gaza"

- Nilinaw ni Ogie Diaz na wala silang kinalaman ng alagang si Liza Soberano sa mga post ni Xian Gaza

- Ito ay matapos na mabanggit ang kanilang mga pangalan sa isang post ni Xian kaya't maging sila umano ay nadadamay sa mga bashers

- Sinabihan na rin daw ni Ogie si Xian na tigilan na muna ang pagiging Marites nito lalo na kung walang sapat na ebidensya

- Paglilinaw din ni Ogie na nagkakilala lamang sina Liza at Xian dahil sa kanya at bagaman 'Chairman' ang tawag ni Liza kay Xian, hindi naman umano ito talagang close

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pinakabagong Showbiz Update ni Ogie Diaz, agad niyang nilinaw na wala umano silang kinalaman ni Liza Soberano sa mga post ni Xian Gaza.

Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na mabanggit ni Xian sina Ogie Diaz at alaga nitong si Liza Soberano kasunod ng mga naging post nito kamakailan tungkol naman sa KathNiel at kay Barbie Imperial.

Read also

Jelai Andres nang ma-depress dahil sa love life: "Nakapunta ako ng ospital na butas shorts ko!"

Ayon kay Ogie Diaz, nadadamay umano sila ni Liza dahil sa isang burado na ngayong post ni Xian kung saan sinabi nitong hindi niya maaring "itsismis" si Liza gayung kumpare niya si Ogie na manager nito.

Ogie Diaz: "Wala po kaming kinalaman ni Liza Soberano sa ipino-post ni Xian Gaza"
Ogie Diaz (Photo from Ogie Diaz YouTube Channel)
Source: Facebook

"Chairman" pa raw ang tawag ni Liza sa kanya at mataas din daw ang respeto niya sa aktres.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, kinausap pa rin ni Ogie si Xian at pinakiusapang huwag na silang i-mention pa sa kanyang mga post dahil nadadamay pa sila sa mga pamba-bash ng publiko.

"Para po sa kalinawan ng lahat, wala po kaming kinalaman ni Liza Soberano sa kung anuman po ang ipino-post ni Xian," pahayag ni Ogie.

"Sinabihan ko po si Xian na pare, tigilan mo na muna ang pagiging Marites lalo na kung wala namang sapat na pruweba"

Read also

Ogie Diaz, nag-sorry sa netizens sa komentong 'refund' ng cochinillo ni Marvin

"Huwag mo na kaming i-mention ni Liza kasi nadadamay kami na baka isipin ng ibang tao na may kinalaman kami sa post mo"

Isa rin sa nilinaw ni Ogie Diaz na nagkakilala lamang sina Liza at Xian dahil sa kanya at bagaman 'Chairman' ang tawag ng aktres kay Xian ay hindi naman daw talaga close ang mga ito.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel na Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Isa sa mga naitampok ni Ogie ay si Pokwang at ang kabutihan ng puso nito kung saan nagawa pang kaawaan ang taong nanloko umano sa kanya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel