Ogie Diaz sa 'cochinillo' issue: "In fairness to Marvin nag-reach out siya"

Ogie Diaz sa 'cochinillo' issue: "In fairness to Marvin nag-reach out siya"

- Naikwento ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz update na nagkausap na sila ni Marvin Agustin kaugnay sa issue ng kanyang 'cochinillo'

- Ayon kay Ogie, si Marvin pa raw mismo ang nag-reach out sa kanya at humingi ng pasensya sa nangyari

- Maging si Ogie ay humingi na rin ng pasensya kay Marvin lalo na raw sa nasabi niyang dapat na i-refund nito ang ibinayad ng mga hindi na-satisfy na customers

- Gayunpaman, hangad pa rin ni Ogie ang patuloy na tagumpay ni Marvin sa kanyang negosyo lalo na at patuloy pa rin ang dagsa ng orders sa kanyang 'cochinillo' noong Bagong taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagkausap na sina Ogie Diaz at Marvin Agustin kaugnay sa kontrobersyal na produkto ng aktor na 'cochinillo.'

Matatandaang isa umano si Ogie sa nakapagbigay ng kanyang tapat na opinyon tungkol sa produkto na napag-usapan din lalo na at mismong si Marvin na ang humingi ng tawad sa mga customers niyang nakaranas ng hindi magandang serbisyo mula sa kanila.

Read also

Pokwang, inalala ang namayapang anak: "'Di ako nakauwi pero ang sama-sama ng loob ko"

Ogie Diaz sa 'cochinillo' issue: "In fairness to Marvin nag-reach out siya"
Ogie Diaz (Photo from Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Facebook

Sa showbiz update ni Ogie, sinabing mismong si Marvin ang nag-reach out sa kanya.

"Nag-reach out si Marvin, in fairness to Marvin para sabihin na siya ay humihingi ng pasensya," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging siya rin ay humingi na rin ng pasensya kay Marvin lalo na sa naibulalas niyang opinyon na i-refund dapat nito ang ibinayad sa kanila ng mga hindi naman na-satisfy na customers.

"Sabi niya, i-check ko na raw next time at sana raw ay makabawi siya sa akin," pahayag ni Ogie na nasabi raw sa kanya ni Marvin.

Matatandaang nito lamang Bagong Taon ay nabahagi ni Marvin sa kanyang post na mas lalo nilang pinagbuti ngayon ang paghahanda ng dumagsa pa rin na cochinillo orders sa kanila.

Dahil dito, hangad naman ni Ogie ang patuloy na tagumpay ni Marvin sa kanyang negosyo lalo na at marami naman talaga ang tumatangkilik sa kanya.

Read also

Brenda Mage, pabirong kinastigo ng BF: "Kaibigan mo 'yun?"

Narito ang kabuuan ng pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Nitong Kapaskuhan, kabi-kabila ang tinanggap na batikos kay Marvin dahil sa kontrobersyal na produkto niya ang 'cochinillo.'

Matapos na ilabas ni Marvin ang kanyang opisyal na pahayag patungkol sa mga batikos umano sa kanya ng mga naging customers, nagbigay komento rin ang kilalang komedyante, entertainment columnist at host na si Ogie Diaz.

Ayon kay Ogie, malaking bagay na open si Marvin sa kritisismo at naniniwala siyang makakabawi ito sa mga hindi magandang nangyari. Naimungkahi rin niya na i-refund ni Marvin sa mga hindi na-satisfy na customers ang kanilang ibinayad sa kontrobersyal na produkto.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel