Brenda Mage, pabirong kinastigo ng BF: "Kaibigan mo 'yun?"

Brenda Mage, pabirong kinastigo ng BF: "Kaibigan mo 'yun?"

- Ibinahagi ni Kelvin Simbulan ang pagsundo nila sa partner nitong si Brenda Mage sa paglabas nito sa bahay ni Kuya

- Nang salubungin niya ito, pabiro niyang kinastigo si Brenda patungkol sa 'kaibigan lang' daw nito sa loob ng bahay ni Kuya

- Sinasabing ang tinutukoy ni Kelvin ay si Eian Rances na umano'y naging malapit kay Brenda sa PBB house

- Makikita sa video na talaga namang sobrang na-miss nina Brenda at Kelvin ang isa't isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Super sweet na sinalubong ni Kelvin Simbulan ang partner niyang si Brenda Mage pagkalabas na pagkalabas nito sa Pinoy Big Brother house.

Nalaman ng KAMI na bukod kay Kelvin kasama rin sa pagsundo ang ilan sa kanilang mga kaibigan pati na rin ang nanay ni Brenda.

Sa pagsalubong pa lang ni Kelvin ay pabiro nitong kinastigo si Brenda ng "Happy ka, happy? Kahit lumalandi ka sa loob?"

Read also

Wilbert Tolentino sa fans ni Sam Bernardo: "3 nomination sinalba ko kayo"

Brenda Mage, pabirong kinastigo ng BF: "Kaibigan mo 'yun?"
Brenda Mage at boyfriend na si Kelvin Simbulan (Photo from Brenda Mage)
Source: Facebook

Agad naman itong binuweltahan ni Brenda na baka ang nobyo rin niya ang gumagawa ng ganoon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Subalit sinundan pa ito ni Kelvin ng tanong na "kaibigan mo 'yon? talaga?" sabay tawa at yapos kay Brenda na nagawa naman niyang lambingin pagkatapos.

Sinasabing ang tinutukoy ni Kelvin ay ang naging malapit kay Brenda sa loob ng bahay ni Kuya na si Eian Rances.

Gayunpaman, makikitang nangibabaw ang pagka-miss nina Brenda at Kelvin sa isa't isa.

Mapapanood ang kabuuan ng video sa Facebook page ni Kelvin Simbulan.

Isa ang Pinoy Big Brother ng ABS-CBN sa mga reality shows na pinakaaabangan sa Pilipinas. Sa naturang programa nagmula ang ilan sa mga mahuhusay na artista ngayon tulad nina Kim Chiu, Gerald Anderson, at James Reid.

Kamakailan ay natapos na ang PBB Kumunity celebrity edition Season 10 kung saan itinanghal bilang top 2 sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion.

Read also

Wilbert Tolentino, ipinakita ang convo nila ng manager ni Samantha Bernardo

Ilan sa mga ito ay ang naging usapan nina Eian Rances at Brenda Mage sa pagsisimula pa lamang ng PBB na humantong naman sa kanilang mabuting pagkakaibigan.

Gayundin ang umano'y closeness nina Shanaia kay TJ na mismong sila at mga housemates ang nagsabing walang malisya ang pagiging malapit ng dalawa.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel