Wilbert Tolentino, ipinakita ang convo nila ng manager ni Samantha Bernardo

Wilbert Tolentino, ipinakita ang convo nila ng manager ni Samantha Bernardo

- Ibinahagi ni Wilbert Tolentino ang mga naging usapan nila ng manager ni Samantha Bernardo

- Makikita roon ang manager ni Samantha na malaki umano ang naitulong ni Wilbert sa pagkakapasok ni Samantha sa Final 5

- Ayon kay kay Wilbert, hindi lamang umano ito naipahayag sa mga fans at supporters ni Sam

- Sina Samantha at ang alaga ni Wilbert na si Madam Inutz ay hindi pinalad na makapasok sa Top 2 ng Pinoy Big Brother Kumunity Celebrity Edition Season 10

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Agad na ibinahagi ni Wilbert Tolentino, ang manager ni Madam Inutz ang naging usapan nila ng manager naman ni Samantha Bernardo na si Jam Melitante.

Nalaman ng KAMI na ito ay matapos na akusahan ng netizens si Wilbert na naglaglag umano sa 'friendship' niya na si Samantha.

Read also

Cochi ni Marvin, tinatangkilik pa rin: "We are roasting now your cochi orders"

Sa tweet ni Wilbert, sinabi niyang may usapan sila mismo ni Samantha at manager nitong si Jam.

Wilbert Tolentino, ipinakita ang convo nila ng manager ni Samantha Bernardo
Wilbert Tolentino kasama si Madam Inutz (Photo from Wilbert Tolentino)
Source: Facebook

Makikita rin sa screenshots ng mga naging usapan nila ni Jam na aminado itong malaki ang naitulong ni Wilbert sa pagkakalagak ni Sam sa Final 5 ng Pinoy Big Brother celebrity edition season 10.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Ang naging negligence ay indi nya ininform sa SAMBER at SAMLY na yung 2nd spot ay mag giveway for Madam. kayo nauna bumagsak ng BBE," ang bahagi ng kanyang Tweet.

Hindi pinalad sina Samantha at Madam Inutz na mapasok sa Top 2 ng kanilang season at sabay pa silang na-evict kasama si Brenda Mage.

Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Read also

Wilbert Tolentino sa fans ni Sam Bernardo: "3 nomination sinalba ko kayo"

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Naging maingay ang pangalan ni Wilbert sa social media kamakailan dahil sa makailang beses niyang pagsalba at pagbibigay ng todo suporta sa kanyang alaga na si Madam Inutz.

Isa si Madam Inutz sa mga pinalad na mapabilang sa Final 5 kung saan hinirang ang top 2 sa kanila na sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel