Wilbert Tolentino, humingi ng dispensa kay Chie Filomeno sa mga nasabi ni Madam Inutz

Wilbert Tolentino, humingi ng dispensa kay Chie Filomeno sa mga nasabi ni Madam Inutz

- Maging si Wilbert Tolentino ay humingi ng dispensa kay Chie Filomeno sa mga nasabi ni Madam Inutz

- Nagkaharap na kasi sina Chie at Madam at diretsahan na nilang napag-usapan ang naging statement ni Madam na 'ganda lang ang ambag' ni Chie sa bahay ni Kuya

-Naipalawinag naman ni Madam ang rason bakit niya nasabi ito subalit sa tingin pa rin ng iba ay hindi sapat ang naging dahilan nito para masabi niya iyon kay Chie

- Samantala, isa si Madam Inutz sa mga hindi pinalad na maging Top 2 clebrity housemate ni Big Brother sa Kumunity celebrity editon Season 10

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maging si Wilbert Tolentino ay humingi na rin ng dispensa kay Chie Filomeno sa mga nasabi ni Madam Inutz sa kanya.

Nalaman ng KAMI na ang tweet ni Wilbert ay reply sa isa ring tweet naman ni Chie.

Read also

Wilbert sa mga umano'y tumutuligsa kay Madam Inutz: "Lumaban kayo ng patas!"

"Yung lalaitin mo yung tao tapos idadaan mo sa tawa para kunware hindi nakakasakit sinabi mo," ani Chie sa kanyang Twitter ay may kasama umano itong mga red flags.

Wilbert Tolentino, humingi ng dispensa kay Chie Filomeno sa mga nasabi ni Madam Inutz
Wilbert Tolentino kasama si Madama Inutz (Photo from Wilbert Tolentino)
Source: Facebook

Dito, nag-reply si Wilbert at sinabi ang panig sa mga nasabi ng kanyang alaga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"In behalf of Madam inutz, ako na po humihingi ng dispensa @ChieFilomeno."

Aniya, dama naman niya umano ang paghingi ng sorry ni Madam Inutz subalit aminado siyang hindi ito nag-ingat sa pagbibitaw nito ng kanyang mga rason.

"Bagito rin siya sa industria. need pa nya sa tamang gabay. Again, my apology"

Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Read also

Madam Inutz sa 'ganda lang ang ambag' statement niya kay Chie: "Siyempre wala na akong masabi"

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Gumawa ng ingay sa social media si Wilbert kamakailan dahil sa makailang beses niyang pagsalba at pagbibigay ng todo suporta sa kanyang alaga na si Madam Inutz.

Isa si Madam Inutz sa mga pinalad na mapabilang sa Final 5 kung saan hinirang ang top 2 sa kanila na sina Alyssa Valdez at Anji Salvacion.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel