Madam Inutz sa 'ganda lang ang ambag' statement niya kay Chie: "Siyempre wala na akong masabi"

Madam Inutz sa 'ganda lang ang ambag' statement niya kay Chie: "Siyempre wala na akong masabi"

- Nakaharap na nga ni Madam Inutz si Chie Filomeno tungkol sa 'ganda lang ang ambag' na nasabi niya noon sa nominasyon

- Diretsahan siyang tinanong ni Chie kung saan nanggaling umano ang komentong ito ni Madam sa kanya

- Alam daw kasi ni Chie na ibinigay niya ang kanyang best at naipanalo nila ni Eian ang task na sinabi niyang si Madam Inutz umano ang pinanghinaan ng loob

- Paliwanag ni Madam Inutz, maganda naman daw ang magiging career ni Chie kahit na napaaga ang paglabas nito sa bahay ni Kuya kumpara umano sa kanya

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nasalang ang Final 5 sa hot seat at muling nakaharap nila ang kanilang mga dating housemates na bumato sa kanila ng mga kontrobersyal na tanong.

Isa sa mga napag-usapan ay ang tungkol sa 'ganda lang ang ambag' tungkol kay Chie na nasabi noon ni Madam Inutz.

Read also

Wilbert sa mga umano'y tumutuligsa kay Madam Inutz: "Lumaban kayo ng patas!"

Diretsahang tinanong ni Chie kay Madam Inutz kung paano nito nasabi na 'ganda lang' ang naging ambag niya sa bahay ni Kuya gayung naipanalo nila ang naiatang na task sa pamumuno nila ni Eian.

Madam Inutz sa 'ganda lang ang ambag' statement kay Chie: "Siyempre wala na 'kong masabi"
Madam Inutz (Photo from Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook

"Madam, magkasama tayo araw-araw. Gusto ko lang malaman bakit nasabi mo na puro ganda lang ang ambag ko sa bahay ni Kuya," panimula ng pagtatanong ni Chie.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bago pa man makasagot si Madam Inutz, sinabi sinundan agad ito ni Chie ng karagdagang tanong.

"May time na naipanalo namin ni Eian yung task na 'yun kahit puro ka mamaya na 'yan, madali lang 'yan, alam ko na isa sa dahilan bakit tayo na-rattle sa task na 'yun. So, saan nanggagaling na ganda lang ang ambag ko?" seryosong tanong ni Chie.

"Noon, that time Chie, as in kumbaga nasa akin pa 'yung gulat moment. Hindi ko talaga alam kung sino ang ibo-vote ko," paliwanag ni Madam Inutz.

Read also

Ogie Diaz, may suggestion: "Dapat i-refund ni Marvin sa mga na-disappoint"

Katwiran niya, lahat daw ng maaring magandang offer pagdating sa career ay mayroon na si Chie.

Gayunpaman, siya pa rin ang pinili ni Chie bilang big winner ng kanilang grupo nang matanong ito kung sino para sa kanya ang karapat-dapat na manalo.

"di naman ako ganun kaganda, di naman ako ganun ka-sexy. Ikaw ang binoto ko noon dahil ang nakikita ko lang is yung puro pagmi-make up mo... tapos puro paganda lang talaga. Siyempre wala na akong masabi," dagdag pa ni Madam Inutz.

Narito ang naging kabuuan ng pahayag ni Madam Inutz:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Read also

Ogie Diaz sa kontrobersiyal na 'cochinillo' ni Marvin Agustin: "Kaya pa niyang bumawi"

Kabilang na si Madam Inutz sa Final 5 ng Pinoy Big Brother Celebrity edition Season 10 kung saan dalawa ang hihirangin sa kanilang big winners.

Isa sa mga konetrobersiyang hinarap ni Madam Inutz sa loob ng bahay ni Kuya ay ang pahayag niya sa nominasyon kung saan dalawang puntos ang naibigay niya noon kay Chie Filomeno dahil sa wala umano itong ibang ginawa kundi ang magpaganda.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel