Madam Inutz sa kanyang magiging future jowa: "Love me for who I am"

Madam Inutz sa kanyang magiging future jowa: "Love me for who I am"

- Nagbigay ng mensahe si Madam Inutz sa kanyang magiging future boyfriend

- Ito ay matapos na magbigay ang kapwa niya housemate na si Brenda Mage ng mensahe sa boyfriend niyang si Kelvin

- Ayon kay Madam Inutz, sana'y matanggap siya ng magiging future boyfriend niya na hindi nagawa ng kanyang ex-boyfriend sa kanya

- Isa si Madam Inutz sa mga nanatili pa rin sa bahay ni Kuya habang sina Eian at Jordan naman ang mga bagong evictee

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Bahagi ng ABS-CBN Christmas Special ang mga Pinoy Big Brother kumunity Season 10 housemates.

Nalaman ng KAMI na isa sa mga presentation nila ay ang heart-to-heart talk nina Brenda Mage at Madam Inutz.

Napag-usapan nila ang mga bagay na nagawa nila para sa mga mahal nila sa buhaymapa-dyowa man ito o kanilang pamilya.

Read also

Brenda Mage, inaming ang kanyang ATM ang pinakamalaking naibigay sa kanyang BF

Madam Inutz sa kanyang magiging future jowa: "Love me for who I am"
Madam Inutz (Photo from Pinoy Big Brother ABS-CBN)
Source: Facebook

Matapos na magbigay ni Brenda ng mensahe para sa kanyang boyfriend na si Kelvin na labis niyang pinasalamatan sa unconditional love nito, si Madam Inutz naman ang nagbigay ng mensahe sa future boyfriend niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Love me for who I am, because my ex doesn't love me for who I am," pahayag ni Madam Inutz.

Pabiro naman itong sinagot ni Brenda ng 'you deserve it' ngunit sinabi nito na sayang at single muli si Madam Inutz gayung sweet pa naman daw ito at maalaga.

Narito ang kabuuan ng kanilang naging usapan:

Si Daisy Lopez o mas kilala bilang si Madam Inutz ay nakilala sa kanyang nakakaaliw na live-selling kung saan tahasan niyang minumura ang kanyang mga viewers. Hindi raw kasi nagma-mine ang mga ito at tumatambay lang sa kanyang live selling.

Read also

Brenda Mage sa Christmas message niya para sa BF na si Kelvin: "Thank you for accepting me"

Dahil dito, nakilala at minahal siya ng publiko lalo na nang malaman nila ang kwento ng pagsisikap ni Madam Inutz.

Ngayon kahit nasa loob ng Pinoy Big Brother house, patuloy pa rin siyang sinusurpresa ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino na binigyan pa siya ng house and lot bago siya pumasok sa PBB house. Ito raw ang magsisilbing inspirasyon at motivation ni Madam sa loob ng bahay ni Kuya.

Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan si Madam Inutz at nagkaroon ng party sa loob ng bahay ni Kuya matapos mapagtagumpayan ng housemates ang kanilang task.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel