Wilbert sa mga pumuna sa muling pagkakasalba ni Madam Inutz: "Bakit ako pinupuntirya niyo?"

Wilbert sa mga pumuna sa muling pagkakasalba ni Madam Inutz: "Bakit ako pinupuntirya niyo?"

- Naglabas ng saloobin si Wilbert Tolentino sa mga pumupuna sa kanya sa muling pagkakasalba ng kanyang alagang si Madam inutz

- Nilinaw niyang wala siya umanong tinatapakang tao at mayroon ding mga kanya-kanyang sponsors ang iba pang mga celebrity housemates

- Aniya, pare-pareho lamang sila na sumunod sa mechanics at tila siya lamang umano ang kilala kaya siya ang napupuntirya ng ilan

- Gayunpaman, pasok na sa Final 5 si Madam Inutz na siyang makikipagtunggali para sa Top 2 big winners ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sunod-sunod muli ang mga tweet ni Wilbert Tolentino patungkol sa pagtuligsa sa kanya ng ilan sa muling pagkakasalba ni Madam Inutz.

Nalaman ng KAMI na naglabas ng saloobin ang manager ni Madam Inutz na sinasabing nagbagsak muli ng malaking halaga ng diamonds sa Kumu para ma-save ang aalaga.

Read also

Madam Inutz, iniligtas ni Sir Wil nang magbagsak ito ng mahigit 57M diamonds

Aniya, tila pinupuntirya siya ng ilan dahil dito ngunit lingid sa kaalaman ng iba na may kanya-kanyang sponsors ang mga celebrity housemates at hindi lamang si Madam Inutz.

Do or Die etong gabi. walang itatapon sa pitong HMs at take note lahat may sponsor. eto ay tinatawag PBB Sponsors edition season 10. pukpukan ng mga sponsors. kaya sa mga next edition bago kayo sumali. ihanda nyo katakot takot na bash sa mga keyboard warrior na walang pang boto.

Gayunpaman, nilinaw din ni Wilbert na tulad ng marami, sumunod lamang siya sa mechanics at wala siyang inaapakang tao sa kanyang ginagawa.

Wala ako tinatapakan na tao. nag ngingitngit lang kayo dahil d napasok ang manok nyo? kasalanan ko ba yun? e parehas lang naman tayo sumusunod lang sa mechanics. daig pa kayo sa askal kung kumahol. Acceptance is the key to move on!!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Sandara Park, hiling ngayong Pasko na makabalik sa Pilipinas

Unang inanunsyo na ligtas si Madam Inutz sa limang nanganib sa 8th eviction night na ginanap nito lamang Disyembre 26.

Pasok na rin siya sa Final 5 kasama sina Samantha Bernardo, Alyssa Valdez, Brenda Mage at Anji Salvacion.

Sa kanilang lima mapipili ang Top 2 big winners ng Pinoy Big Brother Kumunity celebrity edition Season 10.

Si Wilbert Tolentino ay isang kilalang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Ngayon, naging aktibo na rin si Madam Inutz sa kanyang YouTube channel sa tulong ng kanyang manager na madalas siyang kasa-kasama sa mga videos nito.

Isa rin si Madam Inutz sa mga official housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Season 10. Bago pumasok sa bahay ni Kuya, ibinigay na ni Wilbert ang kanyang regalong bahay at lupa kay Madam Inutz para magsilbing motivation nito sa pagsabak sa PBB.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica