Sandara Park, hiling ngayong Pasko na makabalik sa Pilipinas

Sandara Park, hiling ngayong Pasko na makabalik sa Pilipinas

- Sa isang tweet ay ibinahagi ni Sandara Park na na-miss niyang bumalik sa Pilipinas para makapag-perform sa harap ng mga Pinoy

- Aniya, dalawang taon na siyang hindi nakakabalik sa bansa at hindi na niya maalala kung kailan ang kanyang huling show sa Pilipinas

- Dagdag pa niya, ang kanyang Christmas wish ay makabalik siya sa Pinas at muling makapagtanghal sa harap ng mga Pinoy audience

- Si Sandara ay unang nakilala nang sumali siya sa Star Circle Quest at kinalaunan ay nakilala siya sa bansag na "Pambansang Krung-krung"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Hindi pa rin nakakalimutan ng dating 2NE1 member na si Sandara Park ang Pilipinas. Bago pa tuluyang sumikat bilang isang KPop idol, nakilala siya sa bansag na "Pambansang Krung-krung" ng Philippine showbiz.

Sandara Park, hiling ngayong Pasko na makabalik sa Pilipinas
Photos from Sandara Park (@daraxxi)
Source: Instagram

Sa isang tweet ay ibinahagi ni Sandara Park na na-miss niyang bumalik sa Pilipinas para makapag-perform sa harap ng mga Pinoy. Aniya, dalawang taon na siyang hindi nakakabalik sa bansa at hindi na niya maalala kung kailan ang kanyang huling show sa Pilipinas.

Read also

Ivana Alawi, dinagdagan ang tulong na Php105,000 ni Zeinab Harake para sa batang may sakit

2 yrs na ako hindi nakapunta sa phil. Kelan ba last show ko sa Phil?! Parang d ko na naalala and mga shows ngayon puro untact. Ang xmas wish ko is to go back to Phil and be onstage again with u guys

Marami naman ang natuwa na sakabila ng kanyang tinamasang tagumpay ay hindi pa rin siya nakakalimot sa kanyang pinanggalingan:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bumalik ka na dito, bading. Tapos sama mo sila tih CL, mamsi Bom, at bebe Minzy. Kanta tayo sa Music 21! Hahahahahahaha!
The Philippines misses you too Miss Sandy ! Blue heart Hoping next year would be the year your Xmas wish would come true Blue heartFolded hands I'd like to see that Sandara wave once again
Miss na miss ka na rin namin ati. Super! Pleading face. Sana makabalik ka na rito kapag okay na ang lahat. Please be healthy and stay safe.

Read also

Ivana Alawi at Gerald Anderson, magkakaroon ng teleserye sa 2022

Si Sandara Park ay isang South Korean singer, actress at television presenter. Una siyang sumikat sa Pilipinas nang sumali siya sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest noong 2004.

Taong 2007 nang lumipat siya sa South Korea at sinubukang makipagsapalaran. Kinalaunan ay naging bahagi siya ng sikat na grupong 2NE1. Gayunapaman, nabuwag ang kanilang grupo at hindi napigilang maging emosyonal ni Sandara nang muling ikuwento ang tungkol dito.

Sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang komento ni Sandara sa picture ni Vice Ganda kasama si Ion Perez.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel