Sandara Park, emosyonal na inalala ang pagkabuwag ng grupong 2NE1

Sandara Park, emosyonal na inalala ang pagkabuwag ng grupong 2NE1

- Hindi napigilang maging emosyonal ni Sandara Park sa isang episode ng programang Video Star

- Ibinahagi niya kung paano siya nawalan ng kumpiyansa sa sarili matapos ang pagkabuwag ng dati niyang grupong 2NE1

- Ang 2NE1 ay isang Kpop all-girl group na sumikat hindi lamang sa Korea kundi halos sa iba't-ibang panig ng mundo

- Kasabay din umano ng pagkabuwag ng kanilang grupo, nawalan din siya ng mga kaibigan kaya nakilala niya ang mga tunay niyang kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Sandara Park ang kanyang damdamin tungkol sa pagkabuwag ng grupo nilang 2NE1. Ang grupong 2NE1 ay umani ng kasikatan hindi lamang sa Korea kundi maging sa iba't-ibang panig ng daigdig.

Sila ang isa sa unang Kpop group na sumikat worldwide. Sa isang episode ng programang Video Star, ibinahagi ni Sandara kung paano nakaapekto sa kanya ang pagkabuwag ng kanilang grupo.

“After our disbandment, I realized that I’d been very foolish about something. When we were promoting, I thought that I wasn’t necessary for the group, because the members all had such amazing voices. I thought, ‘If I sing more, then I’ll be a detriment to the group.’ So I couldn’t enjoy it,” pagbabahagi ni Sandara. Ito ay batay sa translation ng South Korean entertainment website na Soompi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging negatibo din ang pananaw niya sa buhay.

“After we disbanded, I worried a lot about what I should do now. I think I was very pessimistic for two or three years, and I lost a lot of my confidence,” kuwento niya.

“I think I experienced a very dark two years,” she said. “But at some point, it became a good thing. I realized that the few friends who are still by my side are really my people.” mangiyak-ngiyak niyang pagbabahagi. “Because of that, I’m happy lately.”

Si Sandara Park ay isang South Korean singer, actress at television presenter. Una siyang sumikat sa Pilipinas nang sumali siya sa Kapamilya talent show na Star Circle Quest noong 2004. Taong 2007 nang lumipat siya sa South Korea at sinubukang makipagsapalaran.

Sa naunang ulat ng KAMI, naging usap-usapan ang komento ni Sandara sa picture ni Vice Ganda kasama si Ion Perez.

POPULAR: Read more about Sandara Park here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel