Sir Wil sa pagtatanghal ni Madam Inutz sa PBB: "Proud ako bilang manager mo"

Sir Wil sa pagtatanghal ni Madam Inutz sa PBB: "Proud ako bilang manager mo"

- Proud si Wilbert Tolentino sa naging performance ni Madam Inutz sa Christmas Special nila sa loob ng PBB house

- Mapapansing panay kasi ang pagluha ni Madam Inutz habang siya ay kumakanta lalo na ng makita ang mga larawan ng mahal niya sa buhay na nasa kanyang background

- At lalo na nang biglang lumabas ang kanyang ama na special guest niya kung saan nakausap niya ito sa loob ng 100 segundo

- Hanga si Wilbert na pagpapakita ni Madam Inutz ng pagmamahal niya sa kanyang pamilya na nasaksihan ng publiko sa kanyang pag-awit

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ipinagmamalaki ng manager na si Wilbert Tolentino ang naging performance ni Madam Inutz sa Pamaskong handog ng Pinoy Big Brother house.

Nalaman ng KAMI na kinanta ni Madam Inutz ang 'Sangkap ng Pasko' na patungkol sa kahalagahan ng pagsasama-sama ng pamilya lalo na sa Kapaskuhan.

Read also

Basel Manadil, nagluto at namigay ng pang-noche buena ng mga taong lansangan

Makikitang panay na ang luha ni Madam Inutz nang makita ang mga larawan ng mahal niya sa buhay sa kanyang background.

Sir Wil sa pagtatanghal ni Madam Inutz sa PBB: "Proud ako bilang Manager mo"
Wilbert Tolentino kasama si Madam Inutz (Photo from Daisylicious_Ukay)
Source: Facebook

At nang biglang sumulpot ang kanyang ama pumapalakpak sa kanya, lalo nang napahagulhol ng pag-iyak si Madam Inutz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Binigyan lamang sila ng 100 segundo ni Kuya para magkausap at siniguro naman ng ama na nasa mabuting kalagayan ang pamilya nila.

Dahil dito, naglabas ng saloobin si Wilbert patungkol sa kaganapang ito sa bahay ni Kuya na nagpapatunay lamang kung gaano kamahal ni Madam Inutz ang kanyang mag-anak.

"Salamat Madam inutz sa pag awit mo sa Sangkap ng Pasko sa bahay ni kuya. kami mga kapamilya mo at si Nanay ay umiiyak habang pinapanood kang umaawit. dama namin kung gaano mo kamahal ang pamilya mo kht sa Music Video mo palang walang tigil pag patak mo sa luha habang nag peperform ka!"

Read also

Ivana Alawi, dinagdagan ang tulong na Php105,000 ni Zeinab Harake para sa batang may sakit

"Mahal na ka namin at proud ako bilang isang Manager mo ay Magalang ka sa Magulang mo. More blessings to u & ur Family. Love u all mga Kainutz at KaFreshness na patuloy pag supporta kay Madam inutz. Merry Christmas Everyone!!"

Makikita ang kabuuan ng post ni Wilbert sa page si Madam Inutz na Daisylicious_Ukay:

Si Wilbert Tolentino ay isang negosyante sa Pilipinas. Makikita ang kanyang pagiging pilantropo sa ilan sa kanyang mga vlogs na mapapanood sa kanyang YouTube channel. Hindi lamang puro entertainment ang hatid ng kanyang mga video kundi ang inspirasyon na makatulong sa kapwa.

Talent manager din siya ng ilang mga kilalang vloggers sa bansa at isa sa kanyang mga alaga ay ang nag-viral na online seller na si Madam Inutz.

Ngayon, naging aktibo na rin si Madam Inutz sa kanyang YouTube channel sa tulong ng kanyang manager na madalas siyang kasa-kasama sa mga videos nito.

Isa rin si Madam Inutz sa mga official housemates ni Kuya sa Pinoy Big Brother Season 10. Bago pumasok sa bahay ni Kuya, ibinigay na ni Wilbert ang kanyang regalong bahay at lupa kay Madam Inutz para magsilbing motivation nito sa pagsabak sa PBB.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel