Jelai Andres nang ma-depress dahil sa love life: "Nakapunta ako ng ospital na butas shorts ko!"

Jelai Andres nang ma-depress dahil sa love life: "Nakapunta ako ng ospital na butas shorts ko!"

- Buong tapang na inamin ni Jelai Andres na napabayaan niya noon nang husto ang sarili dahil sa mga sinapit niya sa kanyang love life

- Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, inilahad ni Jelai kung makailang beses na niyang napagbigyan ang mister na si Jon Gutierrez

- Dahil sa pagmamahal niya noon sa mister gayung 'happy' naman daw siya sa piling nito, kahit ilang beses na siya nito umanong niloloko ay patuloy niya itong tinatanggap

- Subalit dumating sa punto na tila natauhan na umano si Jelai at mas pinili na niyang mahalin ang kanyang sarili

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Binalikan ni Jelain Andres ang mapapait niyang naranasan umano sa kanyang buhay pag-ibig.

Nalaman ng KAMI na matapang niyang naikwento sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga ang mga pinagdaanan ni Jelai sa relasyon niya noon sa kanyang mister na si Jon Gutierrez.

Read also

Single mom na may Php 3,500 na puhunan, kumikita na ngayon ng Php 3 million

Jelai Andres sa mga dinanas sa love life: "Nakapunta ako ng ospital na butas shorts ko!"
Photo from Jelai Andres
Source: Instagram

2015 nang magsimula umano ang kanilang pagkakamabutihan subalit isang taon lamang ang lumipas, napansin na raw niya ang pagloloko nito.

Sa kabila ng mga hindi kanais-nais na pangyayari, humantong pa rin sila sa pagpapakasal kahit na nagkakaroon na umano siya ng panic attacks sa tuwing may hindi nagagawang maganda si Jon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dala umano ng happiness na kanya namang nararamdaman kapag kasama ang mister, nagagawa niya itong patawarin at ninais pa rin niya itong tulungan.

Subalit dahil na rin sa makailang beses na paulit-ulit na panloloko umano sa kanya, tila napagod na rin si Jelai lalo na at siya na mismo ang nagpapahirap sa kanyang sarili.

"'Pag naaalala ko 'to, naiiyak ako... 'Yung mga naranasan ko," naluluhang nabanggit ni Jelai.

Hindi rin niya makakalimutan ang pangyayari na sa sobra umanong depresyon, napabayaan na niya talaga ang sarili.

Read also

Makulit na 'summary ng 2021' love story ng mister at manager ng Jollibee, nagpakilig sa netizens

"Lalo na nung time na na-depress ako, naku 'wag niyong gagawin yun. Hindi naman ako napraning, pero para akong namatay," paliwanag ni Jelai.

Nakarating pa umano siya sa ospital ng buhol-buhol ang buhok, hindi pa naliligo at suot pa niya ang shorts ng asawa habang humahagulhol at hindi niya ito mapigilan.

"Pag-uwi ko ng bahay, ok na ako e hindi na ako umiiyak may gamot na ako. tinaas ko 'yung paa ko butas yung shorts ko! Nakapunta ako ng ospital na butas yung shorts ko. Wala akong underwear."

Laking gulat ni Toni na ang tanging nasabi ay "Grabe, ganon mo napabayaan ang sarili mo?"

Subalit ngayon, alam daw ni Jelain na naka-move on na siya at natuto na siyang mahalin ang sarili kaya naman ibang saya na ang nadarama niya ngayon.

Si Jelai Andres ay isang model, actress, at online personality sa Pilipinas. Isa rin siya sa mga successful na YouTube content creators sa Pilipinas kung saan meron na siyang mahigit anim na milyong subscribers.

Bukod kay Jelai, marami-rami na ring YouTube Star ang na-interview ni Toni Gonzaga tulad nina Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' at maging si Zeinab Harake.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel