Makulit na 'summary ng 2021' love story ng mister at manager ng Jollibee, nagpakilig sa netizens

Makulit na 'summary ng 2021' love story ng mister at manager ng Jollibee, nagpakilig sa netizens

- Viral ang post ng isang mister tungkol sa love story nila ng kanya na ngayong misis

- Aniya, 'summary' daw kasi ito ng kanyang 2021 gayung napakarami nang nangyari sa loob lamang ng isang taon

- Ginawa niya ito sa pamamagitan ng mga makukulit niyang captions sa bawat larawan nila ng kanyang misis

- Umani naman ito ng positibong pagbati mula sa netizens, kakilala man nilang mag-asawa o hindi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang kinilig at natuwa sa viral post ni Felix Enrique D-Hate patungkol sa love story nila ng isang manager ng Jollibee na kanyang napusuan.

Sa kanyang post, sinabi niya kasing 'summary' lamang ng 2021 ang kanyang naikwento gayung napakaraming nangyari.

Makulit na 'summary ng 2021' love story ng mister at manager ng Jollibee, nagpakilig sa netizens
Sina Felix at ang kanyang 'Ms. Manager' (Photo from Felix Enrique D-Hate)
Source: Facebook

Makukulit kasi ang caption ng kada larawan ng kanyang post na aakalaing nangyari lamang talaga ito sa loob ng isang taon.

Read also

Candy Pangilinan, tinamaan ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon

Nagsimula ang kanyang kwento nang mauhaw lamang siya at naisipan niyang bumili ng maiinom.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Doon daw niya nakita ang kanyang 'Ms. Manager' na ang mga ngiti lamang nito ay pamatid uhaw na para sa kanya.

"Agad-agad akong nagpaalam at umalis upang maghanap at bumili ng maiinom. Matapos ang walong oras na byahe mula Camarin hanggang Mindanao Avenue, napadpad ako sa paborito kong restaurant. Hindi na sana ako oorder ng inumin kasi sa ngiti mo pa lang, pawi na ang uhaw ko. Ah si Ms. Manager pala 'yan, 'yung palaging nakangiti sa akin kapag umoorder ako. Bida talaga ang saya!"

Sumunod na nito ang kanilang engagement at nauwi sa kasalan kung saan mas makukulit ang captions ng kanilang mga wedding photos.

At ang pinakahuli nga ay ang positive result ng pregnancy test ng kanyang misis.

Read also

Pokwang, kinaawaan pa ang taong nanloko umano sa kanya: "Nakita ko 'yung kalagayan nila"

Labis na natuwa ang mga netizens kakilala man nila o hindi at lahat halos ay bumati at pinusuan ang kanilang post.

Kamakailan, naibahagi naman sa Kapuso Mo, Jessica Soho ang cute na love story ng nagkakilala sa vaccination site.

Matatandaang naitampok din sa KMJS ang nag-viral na magkababatang nahanap ang isa't isa sa pamamagitan ng TikTok post ng babae na hinahanap ang dati niyang kalaro.

Bagaman at maraming nagpakilalang sila ang batang lalaki sa larawan ni Julienne o 'Yen', tanging si Kenneth o 'Ken' ang nakapagpatunay na siya nga ang kababata niti.

Sa tulong ng KMJS nagkita ang dalawa na nasa magkaibang bahagi lamang ng Palawan.

Sa ngayon, mayroon na silang YouTube channel kung saan mayroon na silang na halos kalahating milyong subscribers dahil marami ang sumubaybay sa kinahinatnan na ng kanilang pagkikita.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel