Candy Pangilinan, tinamaan ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon

Candy Pangilinan, tinamaan ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon

- Ibinahagi ni Candy Pangilinan na tinamaan muli siya ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon

- Disyembre ng 2020 siya unang tinamaan ng COVID kung saan asymptomatic naman daw siya

- Ngunit ngayon, nanghina siya, sumakit ang ulo at katawan at nagkaroon din ng sipon at ubo

- Hiling niyang hindi niya nahawa ang iba pa niyang kasama sa kanilang tahanan lalo na ang anak niyang si Quentin at ang kanyang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa kanyang pinakabagong vlog sa pagbubukas ng taong 2022, naibahagi ni Candy Pangilinan na nagpositibo muli siya sa COVID-19 sa ikalawang pagkakataon.

Nalaman ng KAMI na una siyang tinamaan noong Disyembre 2020 kung saan isa naman siyang asymptomatic kaya hindi na raw niya gaanong ibinahagi ang kanyang napagdaanan.

Candy Pangilinan, tinamaan ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon
Si Candy Pangilinan at anak na si Quentin (Photo from Candy Pangilinan)
Source: Facebook

Katunayan, sinabi na lamang niyang posibleng sa grocery sotre niya nakuha ang virus kahit hindi naman daw siya noon nag-grocery para lang may maisagot sa mga taong nagtatanong sa kanya.

Read also

Korina Sanchez, pinalitan ang aniya'y "miscalculated words" niya sa IG caption

Subalit sa pagsalubong niya ng taong 2022, nakaramdam siya ng pagsama ng pakiramdam dala ng sakit ng ulo gayundin ang pag-ubo at sipon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Agad siyang nag-isolate kahit 'di pa siya noon na-test ang nang makumpirmang positibo nga siya, hindi na siya halos lumabas ng kanyang kwarto.

"Positive po ako. Ngayon, ang sabi ho sa akin ng doktor ko, hindi ho ma-identify kung delta o omicron 'to. But we have to understand that Delta is still here, medyo delikado pa rin ho tayo because medyo dangerous ang Delta although omicron is contagious pero hindi siya ganun ka-dangerous," pahayag ni Candy.

Patuloy lamang ang kanyang pagpapahinga lalo na at symptomatic siya at inaalala rin niya ang kanyang mga kasama sa bahay na sana'y hindi na raw nahawa pa sa kanya lalong-lalo na ang anak niyang si Quentin.

Read also

Pokwang sa ilang kapatid: "Kung napapanood niyo ito, hindi ko kayo sinisisi ha"

Narito ang kabuuan ng kanyang video:

Si Candy Pangilinan ay isang film at television actress sa bansa. Una niyang nakamit ang best actress award sa CineFilipino noong 2016 at sa Los Angeles International Film Festival.

Sa naging eksklusibong panayam ng KAMI kay Candy, naikwento nito ang kanyang mga pinagdaanan sa pagiging single mom sa anak na si Quentin na kanyang pinakamamahal.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel