Sunshine Cruz, nakiusap sa isang netizen na huwag i-flood ng negativity ang page niya

Sunshine Cruz, nakiusap sa isang netizen na huwag i-flood ng negativity ang page niya

- Mahinahong sinagot ni Sunshine Cruz ang isang netizen na nagsabing maarte siya at hindi namamansin

- Naganap ito habang nasa taping ng seryeng ginagawa niya sa GMA 7 na pinamagatang "Underage"

- Nagpaliwanag si Sunshine na sumusunod lamang siya sa safety protocol dahil naka-bubble umano sila

- Nangangahulugan ito na hindi sila pwedeng makihalubilo sa ibang tao maliban sa mga kasamahan niya sa trabaho

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Sunshine Cruz na ang humingi ng dispensa sa isang netizen na nagsabing maarte siya at hindi namamansin. Nagpaliwanag si Sunshine na sumusunod lamang siya sa safety protocol dahil naka-bubble umano sila sa taping ng kanilang show.

Sunshine Cruz, nakiusap sa isang netizen na huwag i-flood ng negativity ang page niya
Sunshine Cruz, nakiusap sa isang netizen na huwag i-flood ng negativity ang page niya (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

Hiniling din ng aktres na huwag sanang i-flood ng negativity ang kanyang Facebook page.

Huwag na po mainit ang ulo. Hindi po yan maganda sa ating heart. Wag mo po i-flood ng negativity ang aking page.

Read also

Maggie Wilson, sinabihan ang stalkers niya na wala siya sa bahay niya sa Manila

Mahinahon niyang sinagot ang mga negatibong komento sa kanya ng naturang netizen.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

" I will remember your face next time para mabati na kita Ate. Pasensya na po pero hindi ako maarte o hindi masama ang ugali ng isang artista pareho ng sinasabi mo dahil hindi nagawa ang gusto nyo. Intindihin nyo po sana na may protocols po kami sa taping.. Bawal makihalubilo gawa ng naka bubble po ang production."

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.

Read also

Paolo Contis, naiyak nang panuorin ang pelikula ni Baron Geisler

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Nag-post si Sunshine ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niya. Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photgraphy na kasama din si Cesar sa pagdiriwang. Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa. Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel