Paolo Contis, naiyak nang panuorin ang pelikula ni Baron Geisler

Paolo Contis, naiyak nang panuorin ang pelikula ni Baron Geisler

- Binati ni Paolo Contis ang dating kasamahan sa youth-oriented show na 'Tabing Ilog' na si Baron Geisler

- Kaugnay ito sa pinamalas niyang husay sa pagganap sa pelikulang "Dollhouse" na kamakailan ay naging no. 1 pa sa streaming service na Netflix

- Sa binahaging Facbook post ni Paolo ay napamura pa ito kalakip ng binahaging picture niya na naluluha at suot ang punit-punit na T-shirt

- Maging ang iba pang mga artista ay binati si Baron sa kanyang mahusay na pagganap

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kabilang si Paolo Contis sa napabilib sa husay ni Baron Geisler sa kanyang pagganap sa pelikulang Dollhouse. Sa binahaging Facbook post ni Paolo ay napamura pa ito kalakip ng binahaging picture niya na naluluha at suot ang punit-punit na T-shirt.

Paolo Contis, naiyak nang panuorin ang pelikula ni Baron Geisler
Paolo Contis, naiyak nang panuorin ang pelikula ni Baron Geisler (@paolo_contis)
Source: Instagram

Aniya, ang aga-aga pa para sa ganoong klaseng emosyon at pati umano ang T-shirt niya ay hindi kinaya ang acting ng dating kasamahan sa youth-oriented show na Tabing Ilog.

Read also

Andrew Schimmer, nakatanggap ng tulong mula sa pamilya nina Julius at Tintin Babao

Binati niya din si Baron sa naging tagumpay ng kanyang pelikula na kamakailan ay naging no. 1 pa sa streaming service na Netflix.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Paolo Contis, naiyak nang panuorin ang pelikula ni Baron Geisler
Paolo Contis, naiyak nang panuorin ang pelikula ni Baron Geisler (@facebook.com/paolo.contis.549)
Source: Facebook

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Matatandaang ang kanyang manager na si Lolit Solis at ang talk show host na si Cristy Fermin ang ilang beses na nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos na natanggap niya nang maghiwalay sila ni LJ. Gayunpaman, kinalaunan ay sinabi din ni Cristy na si Yen Santos at Paolo Contis nga ang nasa viral video.

Kamakailan ay inunahan na ni Paolo ang mga bashers sa kanyang panibagong post sa kanyang personal Facebook account. Ibinida niya na masarap ang kanyang baong adobo at may libreng bashing pa umano ito. Wala siyang binanggit na pangalan sa taong kanyang pinasalamatan ngunit tinawag niya itong "babikwoooh." Matatandaang sa nauna niyang post kung saan pinasalamatan niya si Yen sa niluto nitong kaldereta, humirit pa si Paolo ng adobo na pabirong sinagot ni Yen na abusado na umano ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel