Paolo Contis, inunahan na ang bashers sa post niya tungkol sa baon niyang adobo

Paolo Contis, inunahan na ang bashers sa post niya tungkol sa baon niyang adobo

- Inunahan na ni Paolo Contis ang mga bashers sa kanyang panibagong post sa kanyang personal Facebook account

- Ibinida niya na masarap ang kanyang baong adobo at may libreng bashing pa umano ito

- Wala siyang binanggit na pangalan sa taong kanyang pinasalamatan ngunit tinawag niya itong "babikwoooh"

- Matatandaang sa nauna niyang post kung saan pinasalamatan niya si Yen Sanos sa niluto nitong kaldereta, humirit pa si Paolo ng adobo na pabirong sinagot ni Yen na abusado na umano ito

Ibinida ni Paolo Contis sa ang kanyang baon na adobo na aniya ay masarap. Gayunpaman, inunahan niya na rin ang bashers nang sabihin niyang may libreng bashing pa umano ito.

Paolo Contis, inunahan na ang bashers sa post niya tungkol sa baon niyang adobo
Paolo Contis, inunahan na ang bashers sa post niya tungkol sa baon niyang adobo (@paolo_contis)
Source: Instagram

Sa kanyang Facebook post,ginamit niya rin ni Paolo ang hashtag na #adobash. Nagpasalamat naman siya sa taong hindi na niya pinangalanan pa ngunit kanyang tinawag na "babikwoooh."

Read also

Skusta Clee, muling naging usap-usapan dahil sa kanyang "panget mo sumayaw" post

Ang sarap ng aking baong adobo! May libreng bashing pa yan mamaya! #Adobash thank yoooouu babikwoooh..

Hindi kagaya sa nauna niyang post na sa kasalukuyan ay burado na, wala nang taong naka-tag sa kanyang post. Matatandaang lumikha ng ingay ang naturang post niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kasalukuyan ay hindi pa bumabalik sa paggawa ng pelikula at shows si Yen. Matatandaang unang nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang "A Far Away Land" na kinuhanan sa Faroe Islands na bahagi ng Kingdom of Denmark.

Si Paolo Contis ay isang aktor at komedyante na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang maging bahagi ng "Ang TV." Sa kasalukuyan, isa siyang Kapuso talent. Naging maingay ang pangalan ng aktor kamakailan kasunod ng pag-amin ni LJ Reyes tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Matatandaang ang kanyang manager na si Lolit Solis at ang talk show host na si Cristy Fermin ang ilang beses na nagtanggol sa kanya sa gitna ng mga pambabatikos na natanggap niya nang maghiwalay sila ni LJ. Gayunpaman, kinalaunan ay sinabi din ni Cristy na si Yen Santos at Paolo Contis nga ang nasa viral video.

Matatandaang kamakailan lang nang ibahagi ni Paolo ang post niya kaugnay sa kanyang pasasalamat kay Yen Santos sa pagluto nito ng kaldereta para sa kanya. Humirit pa ito ng adobo naman ang susunod. Pabiro namang sinagot ni Yen si Paolo na abusado ito.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel