Andrew Schimmer, nakatanggap ng tulong mula sa pamilya nina Julius at Tintin Babao

Andrew Schimmer, nakatanggap ng tulong mula sa pamilya nina Julius at Tintin Babao

- Nakatanggap ng tulong si Andrew Schimmer mula sa mga netizens na iniabot ni Julius Babao nang magpunta silang mag-asawa sa tirahan nila kung saan naroroon din ang asawa niyang si Jorhomy

- Bukod pa sa mga binigay ng netizens ay iniabot din ni Julius ang tulong mula sa kanilang pamilya

- Abot-abot naman ang pasasalamat ni Andrew sa patuloy na pagbuhos ng tulong sa kanilang pamilya

- Maging ang pagamutan kung saan namalagi ang misis nang halos isang taon ay malaki din umano ang naitulong sa pagbaba ng kanilang bayarin

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Abot-abot ang pasasalamat ni Andrew Schimmer sa natanggap na tulong mula sa mga netizens at sa pamilya nina Julius at Tintin Babao. Iniabot ni Julius ang tulong pinansiyal na ito sa binahagi niyang video sa kanyang YouTube channel na Julius Babao UNPLUGGED.

Read also

Paolo Contis, naiyak nang panuorin ang pelikula ni Baron Geisler

Andrew Schimmer, nakatanggap ng tulong mula sa pamilya nina Julius at Tintin Babao
Andrew Schimmer, nakatanggap ng tulong mula sa pamilya nina Julius at Tintin Babao (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Pinasalamatan din ni Andrew ang mga doktor sa pagamutan kung saan nanatili ang misis sa loob ng halos isang taon. Halos lahat umano ay boluntaryong kinaltasan ang fee para sa serbisyo nila kaya bumaba kahit papaano ang kanilang bayarin.

Pinayagan din siyang mag-issue na muna ng post dated na cheke. Sa kabila ng hirap na pinagdaanan ay buo umano ang loob ni Andrew at hindi naisip kailanman na sumuko.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Binahagi din niya ang nakakaantig na video kung saan makikita ang bunsong anak niya kasama ang mommy nito. Base sa binahagi niyang video ay makikita ang reaksiyon ng misis niyang si Jorhomy sa pagyakap ng anak nila. Tila gusto din nito na yakapin ang bunsong anak ngunit hindi pa rin ito tuluyang nakakagalaw ng normal kaya ang ulo lamang niya ang nilapit niya sa anak. Ani Andrew, ito umano ang unang pagkakataon na ganoon ang naging reaksiyon ng kanyang misis mula nang maospital ito noong nakaraang taon.

Samantala, sa isang video ay hindi napigilang maiyak ni Andrew sa mensahe ng kanyang dalawang anak na sina Andrea at Sandro Schimmer. Ito ay nang mag-guest siya sa programang "Moments" sa Net 25 na kung saan si Gladys Reyes ang host. Ayon sa mga anak niya, sana ay magpahinga din si Andrew at alagaan nito ang sarili niya para maalagaan niya ang kanilang mommy. Alam umano nila na kung makakapagsalita ang mommy nila ay gusto din nitong magpahinga din ang ama nila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel