Andrew Schimmer, binahagi ang nakakaantig na video ng bunsong anak niya at ng kanyang asawa

Andrew Schimmer, binahagi ang nakakaantig na video ng bunsong anak niya at ng kanyang asawa

- Binahagi ni Andrew Schimmer ang nakakaantig na video kung saan makikita ang bunsong anak niya kasama ang mommy nito

- Base sa binahagi niyang video ay makikita ang reaksiyon ng misis niyang si Jorhomy “Jho” Rovero sa pagyakap ng anak nila

- Tila gusto din nito na yakapin ang bunsong anak ngunit hindi pa rin ito tuluyang nakakagalaw ng normal kaya ang ulo lamang niya ang nilapit niya sa anak

- Ani Andrew, ito umano ang unang pagkakataon na ganoon ang naging reaksiyon ng kanyang misis mula nang maospital ito noong nakaraang taon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi ng panibagong video si Andrew Schimmer kung saan makikita ang bunsong anak nila ni Jorhomy “Jho” Rovero na yumayakap sa mommy niya. Marami ang naantig sa naging reaksiyon ni Jho sa pagyakap ng anak sa kanya.

Read also

Teaser ng interview ni Toni Gonzaga kay PBBM, agad na nag-viral

Andrew Schimmer, binahagi ang nakakaantig na video ng bunsong anak niya at ng kanyang asawa
Andrew Schimmer, binahagi ang nakakaantig na video ng bunsong anak niya at ng kanyang asawa (@facebook.com/johnandrew.schimmer)
Source: Facebook

Tila gusto din nito na yakapin ang bunsong anak ngunit hindi pa rin ito tuluyang nakakagalaw ng normal kaya ang ulo lamang niya ang nilapit niya sa anak. Ani Andrew, ito umano ang unang pagkakataon na ganoon ang naging reaksiyon ng kanyang misis mula nang maospital ito noong nakaraang taon.

For the first time she tried to hug back our son, even for a second..‍♂️Hearing the voice of Her baby bungso after few weeks, she missed Him so much, the reaction on Her face while she listens to His voice was priceless.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Andrew Schimmer ay isang aktor sa Pilipinas na sinilang noong June 10, 1986 sa Manila, Philippines. Ilan sa mga sumikat na pelikulang kinabilangan niya ay Babangon Ako't Dudurugin Kita (2008), Gagamboy (2004) and Resiklo (2007).

Read also

Janella Salvador, nilinaw na gusto niya ng tinapa: "Hindi ko lang inexpect"

Matatandaang humingi ng tulong si Andrew sa mga kasamahan niya sa showbiz at maging sa netizens para sa kanyang misis na si Jorhomy “Jho” Rovero. Nakaranas ng matinding asthma attack si Jho na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia. Dahil sa nangyari ay nasa ICU ng St. Luke’s Medical Center in Bonifacio Global City, Taguig City ang asawa niya at malaki na ang kanilang bayarin.

Nagbahagi ng mensahe si Andrew para sa kaarawan ng kanyang misis. Inihayag nito ang kanyang pagmamahal sa asawa na ilang buwan na ring namamalagi sa ospital. Umaasa ang aktor na muli niyang makikitang ngumiti at tumawa ang kanyang maybahay. Aniya, magkasama nilang haharapin at pagtatagumpayan ang pagsubok na kanilang dinaranas.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel