Teaser ng interview ni Toni Gonzaga kay PBBM, agad na nag-viral

Teaser ng interview ni Toni Gonzaga kay PBBM, agad na nag-viral

- Mabilis na naging usap-usapan ang teaser ng Toni Gonzaga Studio sa panayam niya kay Presidente Bongbing Marcos

- Makikita si Toni na patungo sa Palasyo ng Malacañang habang maririnig ang introduction niya sa noo'y kampanya pa lang ni PBBM

- Mapapnood din ito sa ALLTV bukod sa YouTube channel ni Toni

- Ito na ang ikalawang panayam ni Toni kay PBBM gayung ang unang beses ay hindi pa ito hinihirang bilang presidente ng Pilipinas

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Teaser ng interview ni Toni Gonzaga kay PBBM, agad na nag-viral
Toni Gonzaga
Source: Facebook
Ilang minuto pa lamang mula nang ilabas ng Toni Gonzaga Studio ang teaser ng panayam niya kay President Bongbong Marcos, agad na itong naging usap-usapan.

Nalaman ng KAMI na ito na ang ikalawang pagkakataon na makapanayam ni Toni ang ngayo'y pangulo ng Pilipinas.

Sa naturang teaser, makikita si Toni na papasok ng Palasyo ng Malacañang, ang tinutukoy ni Toni na tahanan na binalikan ni PBBM.

Read also

Markus Paterson, inamin na halos isang taon na silang hiwalay ni Janella Salvador

At nang makita na ang Pangulo, hindi matatawaran ang ngiti at saya ni Toni na napaunalakan ng presidente na maging panauhin sa kanyang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala, nabanggit naman ng ilang netizes na excited na umano silang mapanood ang kabuuan nito.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ang fresh pa sa isip ko nung first interview mo sakanya Ate, literally from where all it started"

"Omg! Can't wait!! Super excited for this one!!! Another trending topic na nman toh haha!! Looking forward sa interview na to Ms.Toni. Godbless us everyone."

"Goosebumps. Parang kelan lang na na interview mo sya Mamshie Toni..ngayon President na sya ng ating Bansa"

"Can't wait to watch the whole of this!!! Hats off, miss Toni G."

Si 'Celestine Cruz Gonzaga-Soriano', o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.

Read also

Jake Ejercito, ibinidang pinagluto siya ni Ellie Ejercito sa unang pagkakataon

Sa kanyang YouTube channel na Toni Gonzaga Studio, nakapanayam niya ang ilan sa mga presidential candidates noong Election 2022.

Ilan sa sa mga ito ay sina Atty. Leni Robredo. Mayor Isko Moreno at noon din ginanap ang panayam ni Toni kay PBBM sa kauna-unahang pagkakaton.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel