Bongbong Marcos sa kontrobersyal na interview: "Bakit niyo naman ina-ano si Toni Gonzaga?"
- Nagsalita na si dating Senator Bongbong Marcos kaugnay sa kontrobersyal na interview sa kanya ni Toni Gonzaga
- Depensa ni Marcos, hindi dapat binabatikos ang ginawang panayam sa kanya ng kilalang Kapamilya host
- Aniya, vlogger si Toni at hindi journalist subalit kinakitaan niya ng husay ang host kumpara sa ibang journalist
- Dagdag pa ni Marcos, magaling kumuha ng impormasyon si Toni ukol sa taong kanyang kakapanayamin na hindi raw basta nakukuha ng iba
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Nagbigay na rin ng kanyang pahayag si dating Senator Bongbong Marcos kaugnay sa kontrobersyal na interview sa kanya ni Toni Gonzaga.
Nalaman ng KAMI na naalarma si Marcos dahil sa kabi-kabilang pambabatikos kay Toni dahil lamang sa marami ang umano'y hindi natuwa sa nasabing interview.
Sa pahayag ni Marcos na naibahagi ng Inquirer, dinipensahan niya ang kilalang Kapamilya host na kinakitaan niya ng husay kumpara sa ibang mga totoong journalist.
"Bakit niyo inaano si Toni Gonzaga?"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
"She's a vlogger, she's not a journalist."
"Although I have to say, she does a better job than other journalist," papuri ni Marcos sa potensyal ng actress at TV host.
"Kung titingnan mo 'yung mga interview niya, kasama na ako roon, naranasan ko e, ang galing niya talagang makakuha ng impormasyon, ng background ng kwento na tungkol sa tao na hindi nakukuha ng iba"
Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay na kapatid ng isa rin sa kilalang aktres, TV host at vlogger na si Alex Gonzaga.
Bukod kay Bongbong Marcos, nakapanayam din ni Toni si Mayor Isko Moreno kung saan nasabi ng alkalde ang balak niyang pagreretiro sa edad na 50.
Sa panayam naman niya sa kasalukuyang Bise Presidente ng bansa na si VP Leni Robredo, hindi naiwasang maging emosyonal ni Toni sa mga naikwento nito tungkol sa pumanaw na mister na si Jesse Robredo noong taong 2012.
Isa rin sa mga nakapanayam ni Toni ay ang YouTube content creator na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer. Doon naikwento ni Basel ang pagmamahal niya sa bansa na itinuring na niya talagang tahanan.
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh