Ogie Diaz sa Toni Gonzaga interview kay BBM: "Nagtatanong lang naman 'yong tao?"

Ogie Diaz sa Toni Gonzaga interview kay BBM: "Nagtatanong lang naman 'yong tao?"

- Naglabas ng saloobin si Ogie Diaz kaugnay sa kontrobersyal na interview ni Toni Gonzaga kay Bongbong Marcos

- Lalo pa at sinundan ito kamaikailan ng request o demand na kapanayamin din ni Toni ang mga umano'y biktima ng martial law

- Ayon kay Ogie, walang dapat na i-korek kay toni gayung nagtatanong lamang ito

- Dahil umano sa kakasita ng tao sa kontrobersyal na interview ni Toni, lalo itong napag-usapan, marami ang na-curious na siyang dahilan para dumami pa lalo ang views ng naturang video

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naglabas ng pahayag si Ogie Diaz kaugnay sa pagtuligsa ng publiko kay Toni Gonzaga dahil umano sa interview nito kamakailan kay Bongbong Marcos.

Lalo na umano nang sinundan pa ito ng hiling ng ilan na ma-interview rin dapat umano ni Toni ang ilan sa mga sinasabing biktima ng Martial law sa ilalim ng pamumuno ng ama ni Bongbong Marcos na si Ferdinand Marcos.

Read also

Bongbong Marcos sa kontrobersyal na interview: "Bakit niyo naman ina-ano si Toni Gonzaga?"

Ogie Diaz sa Toni Gonzaga Gonzaga interview kay BBM: "Nagtatanong lang naman 'yong tao?"
Photo: Ogie Diaz
Source: Facebook

Ayon kay Ogie, wala umanong dapat na itama sa ginawa ni Toni gayung nagtatanong lamag ito.

"Ano ba ang gusto nilang ikorek ke Toni eh nagtatanong lang naman yong tao? Kung feeling ng ibang netizens at historians na mali si Toni, mali ng claim si Bongbong Marcos, eh di gawa rin kayo ng youtube channel, tirahin n'yo si Toni, boldyakin n'yo si Bongbong."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dagdag pa niyang tila "OA" na umano ang hiling na interview pa sa mga napahirapan umano ng martial law.

"Pero 'yung i-demand n'yo kay Toni na interbyuhin din niya ang mga biktima o pamilya ng mga biktima ng Martial Law, di ba, ka-oeyan yan? Unless pagbigyan kayo ni Toni. Choice niya na yon, dahil siya may-ari ng channel niya."

Dahil daw sa kakasita at pamumuna ng publiko kay Toni sa kontrobersyal na interview nito kay "BBM" kung tawagin nila si Bongbong Marcos, dumami lalo ang views ng naturang video sa YouTube channel ni Toni G na 'Toni Gonzaga Studio.

Read also

Ate Gay, nag-sorry kay Vice Ganda: "Alam kong pangit 'yung ginawa ko"

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Ogie Diaz na nabanggit din niya sa kanyang Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga videos sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel