Ate Gay, nag-sorry kay Vice Ganda: "Alam kong pangit 'yung ginawa ko"

Ate Gay, nag-sorry kay Vice Ganda: "Alam kong pangit 'yung ginawa ko"

- Humingi ng sorry si Ate Gay kay Vice Ganda sa pamamagitan ni Ogie Diaz

- Ito ay kaugnay umano sa post ni Ate Gay kung saan nailabas niya ang halaga kung magkano ang naibigay sa kanyang tulong ni Vice

- Dahil sa post, na-bash umano si Vice at tila nakwestyon ng ilang netizens kung bakit Php20,000 ang halagang naibigay kay ate Gay

- Gayunpaman, pinaalalahanan pa rin ni Vice si Ate Gay na mag-ingat sa mga naipo-post nito sa social media upang 'di na muling maulit pa ang nangyari

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nag-sorry si Ate Gay kay Vice Ganda dahil umano sa kontrobersyal na post niya kamakailan.

Nalaman ng KAMI na nai-post kasi ni Ate Gay ang mga pangalan ng mga tumulong sa kanya noong siya'y nagkasakit at isa na rito si Vice.

Read also

Vice Ganda, nasaktan nang ma-bash dahil sa halaga na naibigay sa isang natulungan

Ate Gay, nag-sorry kay Vice Ganda: "Alam kong pangit 'yung ginawa ko"
Ate Gay (Photo credit: Gil Aducul Morales)
Source: Facebook

Subalit sa hindi inaasahang pangyayari, na-bash umano si Vice sa halagang Php20,000 na kanyang naipaabot kay Ate Gay.

"May natulungan ako. Hindi ko pinagmalaki na meron akong natulungan pero 'yung tinulungan ko, sinabi niyang tinulungan ko siya."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Tapos, nilabas niya 'yung magkano 'yung tinulong ko sa kanya. Tapos nabasa ko sa mga comments, sabi nong mga comments, 'ha? ganun lang pala binigay ni Vice Ganda, Php20,000 lang."
"Parang, napalunok ako. Parang 'pag ako ba yung tumulong dapat may presyo?"
"Na ano ako, sabi ko tumulong na ako ng kusa, ayoko ngang magpa-acknowledge kaya hindi ko sinasabi pero yung nilabas mo 'yung pangalan ko, tapos inokray pa ako ng mga ano, 'bakit Php20,000 lang binigay... Nasaktan ako talaga"

Sa pamamagitan ni Ogie Diaz, sinabi nitong nakahingi na ng tawad si Ate Gay sa pagkakadawit ni Vice sa kanyang kontrobersyal na post.

Read also

Angel Locsin, lalong hinangaan dahil sa mga testimonya ng mga natulungang kaibigan

"Kausap ko siya, sinabi niya na 'uy pakisabi kay Vice na I'm very very sorry, patawarin niya ako. alam kong pangit 'yung ginawa ko. Pero gusto ko lang sabihin sa kanya na hindi ko na uulitin."
"In fairness kay Ate Gay, very apologetic siya noong nakausap ko siya."

Ayon pa kay Ogie Diaz, wala na raw kay Vice ang nangyari at pinaalalahanan pa nito si Ate Gay na maging maingat sa mga naipo-post sa social media upang hindi na muling maulit ang nangyari.

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Samantala, isa rin si Ate Gay sa kilalang komedyante sa bansa. Kamakailan ay naging kontrobersyal siya dahil sa kanyang post patungkol sa mga taong nagpaabot sa kanya ng tulong nang siya ay magkaroon ng malubhang karamdaman.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel