Vice Ganda, nasaktan nang ma-bash dahil sa halaga na naibigay sa isang natulungan

Vice Ganda, nasaktan nang ma-bash dahil sa halaga na naibigay sa isang natulungan

- Naglabas ng saloobin si Vice Ganda tungkol umano sa mga komento ng netizens patungkol sa halagang naibigay niya sa isang natulungan

- Inilibas kasi ng kanyang natulungan ang halaga ng kanyang naibigay ay tila naliitan umano ang mga netizens sa halagang Php20,000 na naibigay ng komedyante

- Aminadong nasaktan ang 'It's Showtime' host dahil sa kabila ng kanyang pagtulong ay na-bash pa umano siya ng mga netizens

- Hindi man pinangalanan, ngunit nabanggit ni Ogie Diaz na nag-sorry na si Ate Gay na sinasabing tinutukoy ni Vice na kanyang natulungan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Aminadong nasaktan si Vice Ganda nang mabasa niya umano ang mga komento mula sa isang post kung saan inilabas ng kanyang natulungan ang halagang kanyang naibigay.

Nalaman ng KAMI na hindi napigilan ni Vice Ganda na maglabas ng saloobin sa It's Showtime kaugnay sa issue gayung naroon ang pangalan niya sa nag-viral na post.

Read also

RR Enriquez, may mensahe sakaling makasalubong si "PC": 'Di ka ba nanood ng vlog ni Aiko?"

Vice Ganda, nagulat nang ma-bash dahil sa halaga na naibigay sa isang natulungan
Vice Ganda (@praybeytbenjamin)
Source: Instagram

Sa Ogie Diaz Showbiz Update, ipinakita ang pahayag ni Vice kung saan sinabi nitong nasaktan siya dahil matapos niyang tumulong at magmalasakit ay na-bash pa siya ng mga tao.

"May natulungan ako. Hindi ko pinagmalaki na meron akong natulungan pero 'yung tinulungan ko, sinabi niyang tinulungan ko siya."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Tapos, nilabas niya 'yung magkano 'yung tinulong ko sa kanya. Tapos nabasa ko sa mga comments, sabi nong mga comments, 'ha? ganun lang pala binigay ni Vice Ganda, Php20,000 lang."
"Parang, napalunok ako. Parang 'pag ako ba yung tumulong dapat may presyo?"
"Na ano ako, sabi ko tumulong na ako ng kusa, ayoko ngang magpa-acknowledge kaya hindi ko sinasabi pero yung nilabas mo 'yung pangalan ko, tapos inokray pa ako ng mga ano, 'bakit Php20,000 lang binigay... Nasaktan ako talaga"

Read also

Mura, ibinahaging nagpacheck-up siya dahil sa kanyang karamdaman

Hindi man napangalanan ngunit maugong ang pangalan ni Ate Gay na siya raw ang tinutukoy ni Vice Ganda. Kinumpirma naman ito ni Ogie Diaz at sinabi nitong labis ang paghingi ng tawad ni Ate Gay kay Vice dahil sa kanyang post.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ogie Diaz Showbiz Update YouTube channel:

Si Vice Ganda ay isang sikat na aktor, comedian, television host, at recording artist sa Pilipinas. Kabilang sa kanyang mga popular na pelikula ay ang “Praybeyt Benjamin."

Isa rin si Vice Ganda sa mga nagdesisyong manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng matinding dagok na patuloy nilang nararanasan mahigit isang taon na ang nakalipas.

Bukod sa pagiging batikang komedyante at TV host, pumalo na rin sa 5.67 million ang subscribers niya sa kanyang YouTube channel.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel