RR Enriquez, may mensahe sakaling makasalubong si "PC": 'Di ka ba nanood ng vlog ni Aiko?"

RR Enriquez, may mensahe sakaling makasalubong si "PC": 'Di ka ba nanood ng vlog ni Aiko?"

- Diretsahang sinabi ni RR Enriquez na wala umano siyang problema sa tinawag na lamang niyang "PC"

- Aniya, panoorin na lamang nito ang vlog ni Aiko kung saan siya ang guest dahil doon niya nilahad ang lahat ng kanyang saloobin

- Tila tinanggap na ni RR ang umano'y naging bansag sa kanya na pagiging "sawsawera queen" lalo na sa maiinit na isyu sa showbiz

- Naikwento rin niyang nae-enjoy naman niya ito gayung wala raw siyang masyadong ginagawa ngayong pandemic

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang masaya at nakakaaliw na interview kay RR Enriquez ang mapapanood sa YouTube channel ni Aiko Melendez.

RR Enriquez, may mensahe sakaling makasalubong si "PC": 'Di ka ba nanood ng vlog ni Aiko?"
RR Enriquez, may mensahe sakaling makasalubong si "PC": 'Di ka ba nanood ng vlog ni Aiko?"
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na napag-usapan ng dalawa ang patungkol sa mga mga maiinit na isyu sa showbiz kamakailan na nabigyan ng komento ni RR.

Matatandaang nabansagan siyang "sawsawera queen" dahil sa mga komentong kanyang naibigay.

Read also

Wilbert Tolentino, 'di pa kailanman nagagalaw ang sahod sa YT: "May plano ako doon"

Tila tinanggap naman niya ang kanyang pagiging "Official sawsawera" lalo na at wala raw talaga siyang ginagawa ngayong pandemic.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mayroong mga negosyo si RR subalit mayroon siyang staff na umiintidi sa mga ito.

Kaya naman marami-rami rin ang nabigyang komento ni RR at isa na rito ay ang kontrobersiyang pinagdaraanan ng binansagan nilang sina "PC" at "YS" na mga namataan umano sa Baguio City.

Dahil dito, naitanong sa kanya ni Aiko na sakaling komprontahin siya ni "PC," ano ang maisasagot niya rito.

"Pano' kung nakasalubong mo si PC tapos sabihin 'RR, may problema ka ba sa'kin?" tanong ni Aiko kay RR.

"Sabihin ko, panoorin mo 'yung vlog ni Aiko, nasagot ko na. Wala akong problema sa'yo," diretsang sagot ni RR.

Narito ang kabuuan ng PART 2 ng interview ni Aiko kay RR:

Read also

Gladys Reyes, ibinida ang kanyang supportive na asawang si Christopher Roxas

Si RR Enriquez ay isang aktres at TV host na unang nakilala bilang Kapamilya. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa ABS-CBN gaya na lamang ng noontime show na 'Wowowee' at comedy show na 'Banana Split' na naging Banana Sundae. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang mga negosyo.

Kasalukuyan niyang karelasyon ang kilalang PBA player na si Jayjay Helterbrand ng Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

Kamakailan, gumawa ng ingay ang kanyang pangalan nang magbigay siya ng kabi-kabilang komento sa mga maiinit na isyu sa loob at labas ng showbiz.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel