RR Enriquez, may karagdagdang komento sa isyu ng tinawag nilang 'MH' at 'LS': "Naiinis ako!"

RR Enriquez, may karagdagdang komento sa isyu ng tinawag nilang 'MH' at 'LS': "Naiinis ako!"

- Aminadong nainis si RR Enriquez sa binansagan na lamang nilang 'LS' sa isyu nito kaugnay ng tinawag naman nilang si 'MH' kamakailan

- Buong tapang na sinabi ni RR na dala ng edad umano ni LS, sana'y puro kabutihan na lamang ang ginagawa nito

- Naawa rin umano siya kay MH lalo na ngayong pandemic kahit hindi niya ito 'close friend'

- Kaugnay nito, tila tinanggap na rin niya ang bansag sa kanya ng netizens na pagiging 'sawsawera queen'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Isang makulit at masayang kwentuhan at kumustahan ang naganap sa interview ni Aiko Melendez sa kaibigan niyang pinag-uusapan ngayon na si RR Enriquez.

Nalaman ng KAMI na tila pinanindigan na ni RR ang bansag sa kanyang "Sawsawera Queen" dahil sa ilang maiinit na isyu na kanyang binigyan ng komento.

Read also

RR Enriquez sa issue ng tinawag nilang sina PC at YS: "Sa truth lang tayo"

Isa na rito ang kontrobersyal na pasabog umano ng tinawag na lamang nilang si "LS" kay "MH" na naitanong din ni Aiko kay RR.

RR Enriquez, may karagdagdang komento sa isyu ng tinawag nilang 'MH' at 'LS': "Naiinis ako!"
RR Enriquez (Photo credit: @rr.enriquez)
Source: Instagram

Diretsahang sinabi ni RR na naiinis umano siya kay "LS" na sana'y puro kabutihan na lamang ang ginagawa dala ng edad nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nainis ako sis, kay "ML" kasi siyempre ang tanda na niya 'di ba. Totoo naman, kumbaga ilang years na lang ilalagi mo sa mundo."
"Lagi niyang inilalagay #74naako may mga ganun siya... 'Di ba dapat kabutihan na lang ipakita mo 'wag ka namang mag-chismis," paliwanag ni RR.

Dagdag pa ni RR, naawa naman siya kay "MH" lalo na at pandemic ngayon at marami talagang pagsubok ang pinagdaraanan ng mga tao kahit pa ang mga sikat na artista.

"Naawa ako kay MH kahit hindi ko siya close friend... Marami akong kilalang artista na super down talaga, especially noong nagkaroon ako ng coffee business, may mga natulungan din ako kahit papano. So alam mong hindi lahat ng nasa showbiz, may pera."

Read also

RR Enriquez sa bansag kanyang 'Sawsawera Queen': "Nag-enjoy naman ako!"

Narito ang kabuuan ng interview na mapapanood sa Aiko Melendez YouTube channel:

Si RR Enriquez ay unang nakilala bilang isang Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network gaya na lamang ng noontime show na 'Wowowee' at comedy show na 'Banana Split' na naging 'Banana Sundae'. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Kasalukuyan niyang karelasyon ang sikat na basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng koponang Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

Kamakailan, gumawa ng ingay ang kanyang pangalan nang magbigay siya ng kabi-kabilang komento sa mga maiinit na isyu sa loob at labas ng showbiz.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel