RR Enriquez, sinabing na-appreciate niya na napapansin ang kanyang pakikisawsaw

RR Enriquez, sinabing na-appreciate niya na napapansin ang kanyang pakikisawsaw

- Inilabas ni RR Enriquez ang kanyang saloobin matapos ilang beses nang naging usap-usapan ang kanyang pagbabahagi ng kanyang saloobin

- Ito ay kaugnay sa ilan sa mga maiinit na usap-usapan sa social media kagaya na lamang sa isyu ng panghihiram umano ni Mark Herras ng 30K kay Lolit Solis

- Aniya, naapreciate niya na napapansin ang kanyang pakikisawsaw dahil sa pakiramdam niya ay may sense ang kanyang mga sinasabi

- Pakiusap niya sa mga online news sites, sana ay yung gamiting picture niya ay yung maganda siya tingnan

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Para kay RR Enriquez, naapreciate niya na napapansin ng mga news sites ang kanyang mga pagbabahagi ng kanyang pananaw sa ilang mga usaping mainit na pinag-uusapan sa social media.

RR Enriquez, sinabing na-apreciate niya na napapansin ang kanyang pakikisawsaw
RR Enriquez (@rr.enriquez)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post sinabi niyang pakiramdam niya umano ay may sense ang kanyang mga sinasabi dahil ilang beses nang lumikha ng ingay ang kanyang mga matapang na pahayag.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

I just want to post may hinaing lang. Naappreciate ko po na medyo trending yung mga pakikisawsaw ko

Gayunpaman, may pakiusap siya kaugnay sa mga pictures na ginagamit ng mga showbiz news sites.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

But utang na loob kung kukuha kayo ng pictures ko, make sure na maganda ako. Para kahit ibash ako ng iba na laos, walang career or parelevant ok lang atleast maganda pa din ako at sexy! At may laban sa mga batang starlet. Char!

Nabanggit pa nito sina Manay Lolit Solis at Cristy Fermin.

Appreciate ko po lahat ng kumukuha ng mga post ko, kasi feeling ko may sense ang mga sinasabi ko, hindi lang basta basta nakisawsaw katulad ni Manay Lolit and Nay Cristy Fermin na parang may mga kinakampihan or bina bash (Peace po labyu Nay Cristy and Manay Lolit)

Read also

Rich Asuncion, masayang isinapubliko ang kanyang pagdadalang-tao

Si RR Enriquez ay unang nakilala sa mundo ng showbiz bilang dating Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network kagaya ng noontime show na Wowowee at comedy show na Banana Split na kinalaunan ay naging Banana Sundae hanggang lumipat siya sa ibang estasyon noong 2014.Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Bilang isang dating Kapamilya artist, nagbahagi siya ng kanyang pakikisimpatya sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Kasalukuyan niyang karelasyon ang sikat na basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng koponang Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel