RR Enriquez sa issue ng tinawag nilang sina PC at YS: "Sa truth lang tayo"

RR Enriquez sa issue ng tinawag nilang sina PC at YS: "Sa truth lang tayo"

- Muling naitanong kay RR Enriquez ang tungkol sa kanyang opinyon sa issue ng tinawag na lamang nilang sina 'PC' at 'YS'

- Sa interview sa kanya ni Aiko Melendez, sinabi ni RR na ayaw niyang mag-bash at pawang sa katotohanan lamang ang kanyang opinyon mula sa post ni PC

- Humanga rin umano siya rito sa pag-amin nito ng kasalanang nagawa na hindi pang karaniwan sa isang lalake

- Subalit ang sablay lamang umano sa naturang pahayag ay ang sinabi ni PC sa 'number 4'

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Naging masaya at diretsahan talaga ang interview ni Aiko Melendez sa kaibigan niyang si RR Enriquez.

Nalaman ng KAMI na tila natanggap na ni RR ang bansag umano sa kanya na 'Sawsawera Queen' dahil sa mga komento nito sa maiinit na isyu lalo na sa showbiz.

Read also

RR Enriquez, may mensahe sakaling makasalubong si "PC": 'Di ka ba nanood ng vlog ni Aiko?"

Dahil dito, muling naitanong sa kanya ni Aiko ang tungkol sa opinyon niya sa kontrobersyal na sina 'PC' at YS' kamakailan.

RR Enriquez sa issue ng tinawag nilang sina PC at YS: "Sa truth lang tayo"
Photo credit: @rr.enriquez
Source: Instagram

Natatawang sinagot ito ni RR gayung nag-trending na ito at talagang gumawa ng ingay sa social media.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Sa truth lang tayo siyempre. Ayaw kong mang-bash... base sa post kasi, 'di ba, bini-base natin sa post e. Ok na sana e parang wow! Hindi naman lahat ng lalaki ina-admit nila ang mga kasalanan nila 'di ba? Ang sablay 'yung number 4."

Hindi man diretsahang pinangalanan ngunit mabilis na inalala ng ilang netizens ang Instagram post ni RR kung saan nabanggit niya ang "number 4" sa post kung saan "Baguio" ang nakabahaging larawan.

Dahil dito, marami ang nag-aabang sa part 2 ng naturang interview ni Aiko kay RR at labis na natuwa ang mga nakapanood dahil sa pagiging totoo ni RR.

Read also

RR Enriquez, may karagdagdang komento sa isyu ng tinawag nilang 'MH' at 'LS': "Naiinis ako!"

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Ngayon gusto ko na si RR"
"Excited sa part 2 hehehe love you two"
"Sobrang chill lang ni Ms. RR. Parang nakakatuwa siyang kausap maghapon"
"Ok po ito Ms. Aiko, mas nakilala namin si Ms. RR"
"Totoong-totoo naman ang mga sinasabi ni RR. I super like her na"

Mapapanood ang kabuuan ng interview sa YouTube channel ni Aiko Melendez:

Si RR Enriquez ay unang nakilala bilang isang Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network gaya na lamang ng noontime show na 'Wowowee' at comedy show na 'Banana Split' na naging Banana Sundae. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Kasalukuyan niyang karelasyon ang sikat na basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng koponang Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

Kamakailan, gumawa ng ingay ang kanyang pangalan nang magbigay siya ng kabi-kabilang komento sa mga maiinit na isyu sa loob at labas ng showbiz.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel