RR Enriquez sa bansag kanyang 'Sawsawera Queen': "Nag-enjoy naman ako!"

RR Enriquez sa bansag kanyang 'Sawsawera Queen': "Nag-enjoy naman ako!"

- Tila tinanggap na ni RR Enriquez ang umano'y bansag sa kanya ngayon na 'Sawsawera Queen'

- Sa panayam sa kanya ni Aiko Melendez, sinabing naging 'hobby' na niya ang pagiging 'sawsawera' at 'tsismosa' gayung wala raw umano siyang pinagkakaabalahan

- May mga negosyo si RR ngunit mayroon siyang staff na nangangalaga at nag-aasikaso sa mga ito

- Kaya naman marami raw siyang oras para magkomento at 'makisawsaw' sa mga isyu na 'nae-enjoy' naman daw niya ang pagiging ganito

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Makulit na inamin ni RR Enriquez ang umano'y bansag sa kanya ng publiko na "Sawsawera Queen."

Sa panayam sa kanya ni Aiko Melendez, naitanong sa kanya nito kung bakit ganoon na lamang ang bansag sa kanya ng mga netizens.

Paliwanag ni RR, tila naging hobby na niya ito ngayong wala siyang masyadong ginagawa.

Read also

RR Enriquez sa issue ng tinawag nilang sina PC at YS: "Sa truth lang tayo"

RR Enriquez sa bansag kanyang 'sawsawera queen': "Nag-enjoy naman ako!"
RR Enriquez kasama ang kaibigang si Aiko Melendez (@aikomelendez)
Source: Facebook
"Sis, alam mo yan wala tayong magawa, at least ikaw busy ka 'di ba ang dami mong ginagawa. Pero ako, although I have a business, pero may mga staff din e na gumagawa,"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Wala talaga akong ginagawa sa buhay ko sis,"
"Kaya parang naging hobby ko na talaga ang pagiging sawsawera o tsimosa, alam mo yung ganun?"

Dagdag pa ni RR, na-enjoy naman niya umano ang kanyang ginagawang ito kung saan lagi siyang may komento sa maiinit at kontrobersyal na isyu lalo na sa mundo ng showbiz.

Dahil dito, nai-suggest ni Aiko na pagkakitaan na rin ni RR ang pagiging 'sawsawera' niya sa pamamagitan ng vlogging o streaming.

Pabiro naman itong sinagot ni RR at sinabing balak nga niya sana itong gawin subalit nang makita niya set-up ng interview nila ni Aiko, napa-atras daw siya sa sobrang bongga nito.

Read also

RR Enriquez, may karagdagdang komento sa isyu ng tinawag nilang 'MH' at 'LS': "Naiinis ako!"

"Ang sosyal ng vlog ni Aiko, promise!"

Narito ang masaya at makulit na kwentuhan nina RR at Aiko mula sa YouTube channel ni Aiko Melendez:

Si RR Enriquez ay unang nakilala bilang isang Kapamilya artist. Naging bahagi siya ng iba't-ibang mga palabas sa Kapamilya Network gaya na lamang ng noontime show na 'Wowowee' at comedy show na 'Banana Split' na naging Banana Sundae. Tumigil na rin siya sa pag-aartista upang mabigyan ng panahon ang kanyang negosyo.

Kasalukuyan niyang karelasyon ang sikat na basketbolistang si Jayjay Helterbrand ng koponang Barangay Ginebra. Bukod sa mga negosyo ay nakapundar na rin sila ng kanilang bahay.

Kamakailan, gumawa ng ingay ang kanyang pangalan nang magbigay siya ng kabi-kabilang komento sa mga maiinit na isyu sa loob at labas ng showbiz.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel