Gladys Reyes, ibinida ang kanyang supportive na asawang si Christopher Roxas

Gladys Reyes, ibinida ang kanyang supportive na asawang si Christopher Roxas

- Ibinida ni Gladys Reyes ang pagiging supportive ng kanyang asawang si Christopher Roxas

- Sa kanyang Instagram post ay pinakita niya kung gaano nag-effort ang kanyang mister para makuhanan siya ng picture sa tabing dagat

- Kwento pa ni Gladys ang suot niyang bestida ay dati niya pang damit noong magkasintahan pa lamang sila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Matatandaang nagkatrabaho at unang nagkakilala sina Gladys at Christopher sa telseryeng Mara Clara

Ibinahagi ni Gladys Reyes sa kanyang Instagram post kung gaano nag-effort ang kanyang mister na si Christopher Roxas para lang makuhanan siya ng picture. Masaya siya na nasusuot niya pa ang damit na aniya ay pagmamay-ari niya na kahit noong magkasintahan pa lamang sila ng kanyang mister.

Gladys Reyes, ibinida ang kanyang supportive na asawang si Christopher Roxas
Gladys Reyes (@iamgladysreyes)
Source: Instagram

Makikita sa kanyang ibinahaging mga litrato na sila ay nasa batuhan sa tabing dagat. Pabiro pa nitong binanggit na lalo yatang nainlove ang kanyang asawa dahil nakita nito ang kanyang bestida na sinusuot niya noong dalaga pa lang siya. Nabanggit niyang suot niya ito noong 1993.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Yung asawa kong supportive Naalala nya ata tong dress ko na suot ko pa when he was just my boyfriend in 1993 kaya nainlove lalo love you bebe @christopherroxas

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Gladys ay sumikat dahil sa kanyang epektibong pagganap sa mga kontrabida roles. Isa siya sa pinakatinitingalang pinakamahusay na kontrabida sa mundo ng showbiz sa Pinas.

Ang kanyang pagganap bilang si Clara sa teleseryeng Mara Clara ang naging daan sa kanyang pagsikat sa pag-arte. Gumanap siya bilang kontrabida sa nasabing serye na pinagbidahan ni Judy Ann Santos na umere sa ABS-CBN.

Kinalaunan, lumipat siya sa GMA-7 kung saan nabigyan naman siya ng iba't-ibang oportunidad at TV shows. Kamakailan, ipinagtanggol ni Gladys ang asawang si Christopher matapos mabatikos kaugnay sa isyu ng pagsasara ng ABS-CBN.

Nagpaliwanag din ang aktres matapos umani ng mga reaksiyon mula sa mga netizens ang isang video ng kanyang bunsong anak.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel