Mura, ibinahaging nagpacheck-up siya dahil sa kanyang karamdaman
- Simula nang mag-viral ang vlog ni Virgelyncares 2.0 kung saan nai-feature niya si Mura, ilang beses itong nagpaabot ng tulong
- Sa kanyang muling pangangamusta kay Mura, naibahagi nila sa isang video na may dinaramdam umano ito
- Kaya naman, nagpa-check up sila at nakatakdang ilabas ang video upang maibahagi ang tungkol sa kanyang karamdaman
- Marami naman ang humanga kay Virgelyn dahil sa patuloy nitong pagtulong kay Mura
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa isang Facebook live na ibinahagi sa Facebook page ng vlogger na si Virgelyn Cares 2.0, naibahagi ni Mura ang tungkol sa kanyang karamdaman. Nakuhanan nila ng video ang kanyang pagpapa-checkup at nakatakda itong ibahagi sa YouTube.
Nilinaw ni Virgelyn na ang kikitain sa nasabing video ay pagkukuhanan para sa pagpapagamot ni Mura.
Marami naman ang humanga kay Virgelyn dahil sa patuloy nitong pagtulong at pagtanaw ng kanyang pasasalamat kay Mura sa pagdami ng kanyang manonood lalo nang mapanood ang tungkol sa kanyang kwento.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ayon kay Mura, pakiramdam niya ay may nakapulupot na parang ulap sa kanyang baga at nauubo din ito habang nagsasalita. Pinasalamatan din ni Mura ang doktor na sumuri sa kanya.
Si Mura o Allan Padua sa tunay na buhay ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang sumikat nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan. Una siyang pinakilala bilang kakambal ni Mahal Tesorero.
Nang dumating sa punto na humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko na na isang lalaki si Mura. Naging bahagi siya kinalaunan ng ilang Kapuso shows kagaya ng Majika, Captain Barbell, Super Twins, at Magic Kamison.
Matatandaang matapos sumikat ang video ng vlogger na si Virgelyncares, marami ang nakapansin at nais tumulong kay Mura. Kabilang nga sa pumunta sa kanya ay ang dating ka-tandem nito na si Mahal Tesorero.
Naging masaya ang kanilang muling pagkikita. Gayunpaman, napalitan ang kasiyahang iyon ng kalungkutan matapos lumabas ang balitang pumanaw na si Mahal.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh