Mahal Tesorero, pumanaw na sa edad na 46; wala pang schedule sa burol ayon sa kapatid

Mahal Tesorero, pumanaw na sa edad na 46; wala pang schedule sa burol ayon sa kapatid

- Lumabas ang balitang pumanaw na ang komedyante na si Mahal Tesorero

- Ito ay matapos mag-post ang kapatid niyang si Irene Tesorero sa social media kaugnay sa balita

- Maging ang ilang mga news outlet ay inilabas na rin ang tungkol sa malungkot na balitang ito

- Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya at naitambal kay Mura

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang nalungkot sa lumabas na balitang pumanaw na ang komedyante at vlogger na si Mahal Tesorero. Ito ay kinumpirma ng kanyang kapatid na si Irene Tesorero sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Mahal Tesorero, pumanaw na ayon sa post ng nagpakilalang kapatid niya
Mahal Tesorero (@mahal.tesorero)
Source: Instagram

Bukod dito ay may pera ding inabot si Mahal na aniya ay pandagdag sa panggastos ni Mura. Handa din siyang sagutin ang pang-therapy nito kapag makaluwas na siya sa Manila.

Read also

RIP Mahal agad na nag-trending, bumuhos ang pagdadalamhati at pakikiramay ng netizens

Marami ang naantig sa mga sinabi ni Mahal sa kanyang kaibigan na lagi umano siyang handang tumulong kapag kailangan ni Mura ang kanyang tulong.

Bukod sa kanilang inihatid na tulong ay nangako pa itong sasagutin niya ang pang-therapy ni Mura upang makapaglakad na ito nang maayos at makabalik na siya sa pag-aartista.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naging malungkot din si Mahal sa pagpanaw ng kanyang ama mga ilang linggo pa lang ang nakakalipas. Dinapuan ng COVID ang kanyang ama.

Samantala, wala pang inilalabas na official statement ang katambal niya sa YouTube na si Mygz Molino kaugnay sa lumabas na balita. Gayunpaman, bumuhos na ang mensahe mula sa netizens na nagtatanong kung totoo ang balita.

Maging ang nakatrabaho niyang si Brenda Mage ay nagbahagi na rin ng kanyang mensahe para kay Mahal.

Read also

Mahal nangako kay Mura: "Kahit uugud-ugod na ako, ipapa-therapy pa rin kita"

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga videos kasama si Mygz Molino.

Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate